^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaking problema ang plastic na basura

Pang-masa
EDITORYAL - Malaking problema ang plastic na basura

HINDI lamang tao ang apektado ng plastic na basura --- maging ang mga hayop at mga lamandagat man. Ang problemang basura na nilikha mismo ng mga tao ay buong mundo na ang pumapasan ngayon. Marami nang pinapatay ang mga basurang plastic at kung hindi magkakaisa ang mga bansa para matigil ang walang disiplinang pagtatapon ng basurang ito, maaa­ring buong mundo na ang masira at pumanaw.

Dahil sa maling pagtatapon ng basura, humahantong sa dagat ang mga ito at sa maniwala’t hindi, nakakain ito ng mga isda kabilang ang balyena. Marami nang nabalitang balyena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. At nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, dahil sa mga nakaing plastic na basura. Iba’t ibang uri ng plastic ang nakuha sa bituka ng mga kawawang balyena.

Noong Biyernes (Marso 15), isang balyena ang sumadsad sa dalampasigan ng Mabini, Compostela Valley. Nanghihina umano ito. Kinabukasan, namatay din ang balyena. At nang suriin, kung ano ang dahilan ng pagkamatay, napag-alaman na dahil sa mga kinaing plastic na basura na tumitimbang ng 40 kilos.

Ayon sa marine biologist na si Darrel Blatchley, nakita sa tiyan ng balyena ang 16 na empty bags ng bigas, 4 na banana plantation style bags, at iba’t ibang plastic shopping bags na sa kabuuan ay tumitimbang ng 40 kilos. Ayon kay Blatchley, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Ito umano ang unang pagkakataon na nakakita siya sa tiyan ng balyena ng napakaraming plastic na basura na tumitimbang ng 40 kilos.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Asia na maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia. Katibayan na mara­ming basurang plastic sa karagatan ng Pilipinas ay ang mga nakukuha sa Manila Bay na sa kasalukuyan ay nililinis. Hindi lamang basura ang inaalis kundi pati burak.

Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang inaanod sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinata­yang 7.5 million plastics ang nakatambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga inaanod na basurang plastic.

Pandaigdig na ang problema sa mga basurang plastic kaya marami ang nananawagan na ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa plastic pollution. Magkaisa na ipagbawal na ang paggamit ng plastic na sumisira sa kapaligiran. Kung hindi magkakaisa, hindi lamang mga balyena ang mamamatay kundi pati mga tao.

vuukle comment

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with