^

Punto Mo

Kambing, nahalal na mayor ng isang bayan sa US

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG tatlong taong gulang na kambing na nagnga-ngalang Lincoln ang nakatakda na maging kauna-unahang “honorary pet mayor” ng bayan ng Fair Haven sa Vermont, Virginia.

Hinalal ng taumbayan ang kambing upang magsilbi  ng isang taon bilang mayor matapos ang eleksiyon na ginanap noong Town Meeting Day ng Fair Haven. Magsisimula ang termino ni Lincoln bukas (Martes).

Napili si Lincoln mula sa 16 na iba’t iba pang mga ha-yop na karamihan ay aso’t pusa.

Nanalo si Lincoln matapos siyang makatanggap ng 13 boto, habang pumangalawa naman ang isang asong nagnga­ngalang Sammie na nakatanggap ng 10 boto.

Bilang mayor, dadaluhan ni Lincoln ang mga lokal na kaganapan katulad ng pag-martsa sa Memorial Day parade habang suot  ang isang custom-made sash.

vuukle comment

HONORARY PET MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with