Tadyakan sa lalamunan ang mga pabayang recruitment agency
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - March 7, 2019 - 12:00am

MARAMI na kaming nasampolan na mga walang kuwentang recruitment agencies. ‘Di kami magdadalawang-isip mamahiya, lalo na kapag arogante at bastos ang kanilang tauhan.

‘Yung mga ahensiya na magaling lang mangulekta ng pera, masarap tadyakan sa lalamunan. Sa umpisa mo lang maaasahan. Kapag na-trouble na ang OFW, kilos pagong ang aksyon… kung mayroon man.

Kami sa BITAG Kilos Pronto, pangako namin na mapauwi nang ligtas ang mga OFWs na inaabuso ng kanilang amo. Kapag lumapit kayo sa pambansang sumbungan, cargo na namin kayo. Si BITAG na mismo ang nasa likod ninyo.

‘Di uubra ang mga demonyong agency at mga taong gobyerno na natutulog sa pansitan. Kilos Pronto dapat… makakatikim ang sinumang babagal-bagal at nagpapabaya.

Ito rin ang gusto ng Presidente – kapag may kaso ng pang-aabuso, kailangan masilip agad. Importanteng matingnan ang kalagayan at mailipat agad sa shelter.

‘Wag nang patagalin ang pagdurusa ng OFW sa kamay ng mga masasama’t mababaho nilang amo. Hindi natin nilalahat pero marami ang kanilang bilang.

Ang huli naming napauwing worker, na-trauma na dahil na sa malupit na sinapit sa ibang bansa. OFW sa Riyadh, sobrang sakit ng tiyan at nalaglag pa sa hagdan. Hindi inasikaso man lang ng employer at ng ahensiya.

Labis ang sama ng loob na nararamdaman. Pananakit at pagmamaltrato ang natamo. Binubugbog at pinagmamalupitan ng asawa ng amo.

Hindi alam kung makakauwi pa sa Pilipinas nang buhay. Kinuha ng amo ang pera pati cellphone at ibang gamit ng biktima.

Nakakabuwisit dito, napakatagal na palang humihingi ng tulong itong OFW. Pabalik-balik na ang kapatid at mga anak sa agency. Kumuyos lang ang mga bombolyas nila nang manghimasok na kami.

Silang recruitment agency na dapat umasikaso sa kanilang pinadadalang tao, mga sangkaterbang bobo at suso kung kumilos. Iilan pa lang ang mga agencies na very good sa aming talaan.

Karamihan, mga palpak at inutil. Gusto pa yatang tanggalan ng lisensya bago tumino. Mga recruitment agencies, nakikinig ba kayo? ‘Wag n’yo na kaming hintayin at kayo’y bisitahin.

OFWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with