^

Punto Mo

‘Tulong Sir Ben, gusto naming umuwi!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TATAK na ng BITAG ang pagiging brusko na may pagkaba-rumbado. Ang dating ay medyo siga pero nasa tama.

Naiiba dahil may angas sa public service at pag-iimbestiga. ‘Di namin estilo ang mga public service kuno na iyakan at paupu-upo lang ang alam.

Gayunpaman, ‘di maiiwasang maka-encounter ng mga sumbong na nakaaantig ng puso. Gaya ng reklamong ito.

Isang pamilyang gustong makauwi sa probinsiya. Lumuwas sa Maynila mula Ormoc para ipagamot ang anak na may butas sa puso.

Kuwento ng Inang si Sandrea, normal niyang iniluwal ang anak. Pero pagtuntong sa ikatlong buwan, base sa pagsusuri ng doktor, nalamang may butas sa puso ang bata.

Hindi agad naagapan ang kondisyon ng bata. Dahilan para lumala ang butas sa puso at kinailangan na itong operahan.

Tagumpay ang operasyon pero may panibago silang problema. Sakit ng ulo ng pamilya kung saan kukuha ng pera pauwi sa probinsiya. Pansamantala lamang silang nanunuluyan sa kaanak sa Baseco Compound sa Maynila.

Hiling ni Sandrea na makauwi na sa kanilang probinsiya para mas matutukan at maalagaan ang anak. Mas sanay at mas maayos umano ang kanilang payak na pamumuhay sa probinsiya.

Nakararaos sa araw-araw kahit konti lang ang kita ng kanyang asawa. Laman-tiyan na rin ang gulay na tinatanim at inaani sa kanilang bakuran.

Sa madaling salita, simpleng problema sa pera. Biktima ng bitag ng kahirapan. Kung tutuusin, hindi naman namin kayang solusyonan dahil ‘di naman kami charity o pilantropo.

Hindi namin forte ang pagpapauwi sa probinsiya, pagpapagamot sa may sakit, o pagbibigay ng kabuhayan. Pero kahit ganun, parte na rin ng trabaho namin bilang pambansang sumbungan.

Hindi man namin matulungan ng direkta, puwede kaming maging tulay para sa tao o grupong puwedeng makatulong. Kilos Pronto, humingi kami ng resbak kay Ormoc City Mayor Richard Gomez. Walang patumpik-tumpik, sinagot ng butihing mayor ang kanilang pamasahe.

 

vuukle comment

BEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with