Sulyap sa buhay ni Kim Kardashian
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

(Last part)

SI Kim Kardashian ay model, actress, entrepreneur, socialite at star ng reality show “Keeping Up with the Kardashians”.

Dalawang beses siyang nag-asawa. Una siyang nag-asawa noong 19 years old kay Thomas Damon. Pagkalipas ng 4 na taon ay nakipaghiwalay siya noong 2003. Muli siyang nag-asawa noong 2011, sa basketball star na si Kris Humpries ngunit pagkalipas ng 72 days ay nakipag-divorce siya.

Lagi siyang inaakusahang nagpagawa ng puwet, suso, mata at pisngi ngunit ang lahat ng ito ay pinabulaanan niya. Para patunayang wala siyang ipinagalaw sa kanyang katawan maliban lang sa pagpapabotox, nag-post siya ng mga pictures niya noong teenager sa kanyang website.

Noong 2008, si Kim ang “the most googled celebrity”, natalo niya si Britney Spears na may hawak ng korona sa nakaraang apat na sunud-sunod na taon.

Sinasabing hindi dapat paniwalaan ang kanyang mga tweets dahil siya ay binabayaran ng $25,000 para i-tweet ang mga brands.

Siya ang “highest earning reality television star in the history of the world”.

Ang height niya ay 5’2. Kaya nagsusuot lang siya ng flat shoes kapag nasa treadmill.

Sa ikatlong pagkakataon ay nagpakasal siya kay Kanye West noong 2014. Nagkaanak sila ng tatlo: North, Saint at Chicago.

Idol niya si Elizabeth Taylor. Pagkaraang pumanaw, ibinenta ng idol niya ang bahay. Muntik na niya itong bilhin pero nagbago ang isip niya dahil ang garahe nito ay pang-isang kotse lang.

May sarili siyang nutritionist na nagpapalit ng kanyang diet every 10 days.

10. Tumatagal ng isang oras at kalahati ang kanyang paglalagay ng make-up at pag-aayos ng buhok. Pero kung may big event, 4 na oras ang itinatagal ng kanyang pag-aayos.

11. Ang ginagamit niyang bag para paglagyan ng diaper ng kanyang anak ay Hermes Birkin Handbag na nagkakahalaga ng $12,000 to 200,000.

12. Noong isinilang niya ang panganay, nagpadala sila sa mga kaibigan ng mga photos ng ibang baby. Kunwari iyon ang kanilang new baby para testingin kung sino ang magbebenta ng baby photo sa media. Marami ang nagbenta.

13. Bihira siyang magsuot ng underwear.

14. Marunong silang mag-sign language magkakaklase. Iyon ang ginagamit nila para man-cheating sa exam.

15. Naka-bukas nang bahagya ang kanyang mata kapag natutulog at marami ang natatakot sa kanyang hitsura.

KIM KARDASHIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with