‘World’s oldest man’, namayapa na sa edad na 113
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

NAMAYAPA na ang kinikilalang pinakamatandang lalaki sa mundo sa edad na 113.

Ayon sa kanyang mga kapamilya, pumanaw na si Masazo Nonaka madaling araw noong nakaraang Linggo habang natutulog.

Payapa raw na yumao ang kanyang lolo sa kanilang tahanan sa Ashoro, Japan na pinapatakbo rin nila bilang isang hot spring inn, ayon sa apo ni Masazo na si Yuko Nonaka.

Opisyal na kinilala si Masazo bilang pinakamatandang lalaki sa buong mundo ng Guinness World Records noong April 2018 nang siya ay 112 taong gulang at 259 araw.

Ipinanganak noong July 25, 1905, lumaki si Masazo sa isang malaking pamilya at siya ang pumalit sa kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang hot spring inn. Nga-yong namayapa na si Masazo, si Yuko na ang mamamahala ng 106-taong gulang na inn.

Ang Japan ang sinasabing may populasyon na may matatandang mahaba ang buhay sa buong mundo. Ayon sa nakalap na datos nito lamang September 2018 ay nasa 69,785 ang bilang ng mga Hapones na edad 100 at pataas.

Tinatayang 90 porsiyento ng mga sentenaryong ito ay pawang mga babae, ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare.

MASAZO NONAKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with