^

Punto Mo

Mahigit P1-M ang nakakalat na loose firearms

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi nakapagtataka kung bakit marami-rami na rin ang naitalang election related violence kaugnay sa isasagawang halalan  sa darating Mayo.

Ito ay sa kabila na hindi pa nagsisimula ang opisyal na kampanya ng mga kandidato.

Kung bakit, eh sangkaterba pala ang nagkalat na loose firearms na umaabot sa mahigit sa isang milyon.

Pinaniniwalaang karamihan sa mga ito ay gamit ng private armies ng ilang mga kandidato at nakakalat sa buong kapuluan..

Marami na rin ang nasawi at nasugatan , bukod pa ang walang malay na nadamay . Nangyari ang ilan hindi pa man nagsisimula ang filing ng certificate of candidacy (COC) .

Abay, talagang mukhang mainit ang mga magiging kaganapan sa halalan.

Kaya nga ang pakiusap sa PNP ng ilang opisyal ng Comelec, sana ay tuluyan nang buwagin ang mga private armies ng ilang kandidato.

Samsamin ang mga loose firearms at tukuyin at bantayan ang mga hotspots sa halalan.

Mistulang hindi napipigil ang paglaganap ng mga private armies ng ilang pasaway na mga kandidato na siyang madalas pagsimulan ng karahasan sa kani-kanilang mga lugar.

Wala raw kasing matapang na batas ukol dito kaya patuloy sa paglaganap ang mga pribadong armadong grupo na madalas na nagagamit sa tuwing may halalan.

Malamang din naman umano na alam o tukoy na ng PNP ang mga pribadong armadong grupong ito na ginagamit ng ilang politiko, kaya kailangan na umano nilang kumilos at lansagin o buwagin na ang mga ito.

Sa ganung paraan maaaring maagapan pa ang anumang mga kaharasan dala ng halalan.

Ilang mga lugar ang natukoy na rin ng PNP na hotspots na ito ang dapat na matutukan, kung maaari ay paghaharapin ang mga magkakalaban para makatulong na maiwasan ang iringan at pagkakasakitan, magkaroon ng kasunduan.

Malayu-layo pa ang halalan, marami pang araw ang dadaan, hangad natin na wala nang magbuwis pa ng buhay dahil lamang sa paglalabanan sa posisyon at kapangyarihan.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with