^

Punto Mo

I-report ang mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Una sa lahat ay nais ko na  pong bumati ng isang ‘Ligtas, Mapayapa at Manigong Bagong Taon’ sa lahat.

Mamaya ay sasalubong na tayo sa taong 2019, hangad nating maipagdiwang ang Bagong Taon na walang anumang aberya o sakuna na dumating sa bawat isa.

Patuloy ang pagpapaalala ng mga awtoridad at health officials na huwag nang maging pasaway at huwag nang subukan pang gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok.

Laging isipin na hindi lang ang mismong gumagamit nito ang pwedeng madisgrasya kundi maging ang iba na pwede niyang idamay dahil sa kanyang pagiging pasaway.

Baka imbes na masaya ang isasagawang pagdiriwang, malaki ang tiyansa na inyo itong ikapahamak at sa ospital ang bagsak.

Baka imbes na buo ang katawan sa pagdiriwang, malaki ang tiyansa na ito ay mabawasan dahil sa pagiging matigas ang ulo.

Sa kabila nang pahayag ng Department of Health (DOH) na sa nakalipas na araw simula lamang noong bisperas ng Pasko malaki ang ibinaba ng bilang ng firecrackers victims kumpara sa ganon ding panahon ng nakalipas na taon, meron pa ring walang pakialam dahil lamang sa pagiging mayabang. Magandang balita ang malaking pagbaba sa bilang ng mga biktima ng paputok sa mga nakalipas na araw, sana hanggang mamaya sa pagsalubong sa New Year ay mas bumaba pa o sana nga ay huwag nang madagdagan.

Madali lang naman itong maisakatuparan kung hindi talaga magiging pasaway at isa-isip ang paalala ng mga kinauukulan.

Pero hindi lang sa mga paputok sana matuto ang marami, kundi maging sa insidente ng indiscriminate firing na masasabing mas lalong nakakatakot.

Aba’y, kuntodo nga ang ingat ng marami nating kababayan sa sakunang dulot ng mga mala-lakas at delikadong paputok, kung may ilan namang pasaway na walang habas sa pagpapaputok ng baril na posibleng kanilang ikadamay.

Ito ang mas nakakatakot dahil hindi mo alam kung kanino babagsak ang balang pinakawalan ng pasaway na palaging nangangati ang mga daliri sa gatilyo ng baril.

Sana naman ay maging responsable ang mga gun holder, sana ay kung sa inyo mismo tatama ang balang inyong pinakawalan, ang masakit ‘bato-bato sa langit, ang tamaan kahit sino lang’.

Sa maraming insidente sa nakaraan, minsan yung nananahimik na sa loob ng bahay nadadamay pa.

Ito ang inaasahan ng ating mga kababayan sa ating kapulisan na lubhang mabantayan.

Kung meron namang nasaksihan ang ating mga kababayan na mga ganitong uri ng pasaway na nagyayabang, agad na ninyong i-report sa pulisya para  maagapan ang anumang disrasya at perwisyo na pwede nitong idulot. Ikalaboso agad-agad.

Gaya sa una na nating nabanggit, maging ligtas at payapang masalubong ng bawat pamilyang Pinoy ang Bagong Taon.

vuukle comment

BAGONG TAON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with