^

Punto Mo

Paputok ni Anthony, laganap sa Maynila!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAHIL palapit na ang New Year, nagsulputan namang parang kabute ang mga fireworks at firecrackers na tinda ni alyas Anthony sa Binondo at Divisoria sa Maynila. Tuwing Christmas Holiday at New Year kung magbenta ng paputok at fireworks si Anthony na ipinararating niya sa bansa. Siyempre, hindi masawata ng Manila Police District (MPD) dahil rekta siya sa opisyales nila, ‘di ba Joel Aquino Sir?

Si Aquino mga kosa ay pulis na tong kolektor ni Supt. Antonietto Eric Mendoza, ang hepe ng Station 11 ng MPD, na may sakop ng base of operations ni Anthony. Siyempre, kung may parating si Anthony na P50,000 sa isang bagsakan sa District Special Operations Unit (DSOU), tiyak meron din ke Aquino, di ba mga kosa? Hehehe! Ano ba ‘yan? At hindi lang naman si Anthony ang nagbebenta ng paputok sa Binondo at Divisoria kundi maging sina alyas Bulaong at Vicente.

Ang tong naman nitong sina Bulaong at Vicente sa isang bagsakan din sa DSOU ay tig-P40,000. Ang bata naman ni Vicente na kumikilos para sa negosyo niyang paputok ay si alyas Ariel. Sa pagkaalam ko, ipinagbawal na ni Pres.Digong ang pagbenta nang malalakas na paputok subalit ewan ko lang kung kasama rito ang ikinakalat nina Anthony, Bulaong at Vicente. Hak hak hak! Dapat siguro ay si NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar ang humabok dito kina Anthony, Bulaong at Vicente dahil sunog na ang MPD, di ba mga kosa? Tumpak!

Dahil dito sa paputok at mga vendors, halos nasambot na rin ng enkargado ni MPD chief Sr. Supt. Vicente Danao ang target nilang tong kada linggo. Humahangos na nagreport ang mga kosa ko na tong kolektor din na umaabot na lampas P800,000 ang nakokolekta ng engkargado kaya konting kembot na lang at may maiuwi na rin sila sa kanilang pamilya nitong New Year.

Ang P600,000 kasi sa nakukuha sa sugal-lupa ay napupunta kay Danao samantalang ang sobra ay para sa allowance ng command staff at iba pang operating unit ng MPD. Get’s n’yo mga kosa? Totoo kaya na may nagrereklamo pang hepe na nabawasan ang weekly allowance nila? Ano ba ‘yan?

Kung sabagay, pipilitin ng enkargado na aabot sa isang milyon ang makukuha nila sa sugal lupa kaya’t pati maliliit na financiers ay pinapatulan na nila. Hehehe! Good luck po sa inyo? Kung sabagay, noong panahon ni Tata Eric, kinuha n’ya ang ilang istasyon para may ipantapal siya sa kakulangan ng weekly collection subalit sa ngayon, iba’t-ibang pulis ang tumayong tong kolektor sa mga police stations, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kaya’t sa unang sultada, abono ng P40,000 ang enkargado ni Danao samantalang ang balita ng mga kosa ko P15,000 na lang itosa ngayon. Subalit dahil kumurot din sila sa vendors, mukhang natapalan na ang kakulangan ni enkargado. Happy ending din ano, di ba mga kosa?

Dahil kumukurot na sa vendors ang enkargado ni Danao, nahihirapan namang linisin ni MMDA action man Bong Nebrija ang mga kalye sa Maynila. Uulitin ko, la personalan po. Trabaho lang...Abangan!

vuukle comment

FIRECRACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with