Utol (75)

TATLONG araw na namalagi sa ospital ang apo ni Nanay Lucing. Makaraang bayaran ni Gerald ang mga gastos, lumabas na sila.

Masayang-masaya si Nanay Lucing habang kalong ang sanggol na noon ay walang tigil sa pagkakawag. Halatang mabuti na ang kalagayan.

“Magaling na magaling na siya ano, Nanay Lucing?’’

“Oo. Magaling na maga-ling na.’’

“Masiglang-masigla na nga si Baby. Ano bang name niya, Nanay?’’

“Clint.’’

“May binyag na ba si Clint?’’

“Wala pa nga Gerald. Siguro kaya nagkakasakit ay dahil wala pang binyag.’’

“Aba ay dapat nang pabin­yagan si Clint. Sige ako ang ninong. Binyagan na ‘yan!’’

Napaiyak na naman sa katuwaan si Nanay Lucing. Marami nang naitulong sa kanya si Gerald. Paano kaya siya makakatanggi.

“Paano ako makakabayad sa’yo Gerald?’’

“Hindi naman kita sinisi-ngil, Nanay. Wala kang dapat alalahanin.’’

“Salamat uli Gerald.’’

“Sa linggo, binyagan na yang si Clint. Guwapo ang batang yan!’’

“Kamukha ito ng anak ko.’’

LINGGO. Bininyagan sa simbahan ng Liliw ang apo ni Nanay Lucing na si Clint. Si Gerald lamang ang ninong. Imbitado ang mga kapitbahay at lalo na si Rosa.

Makaraang mabinyagan, sa isang restaurant na malapit sa simbahan nag-celebrate. Maraming putahe na inorder si Gerald.

Masayang-masaya si Nanay Lucing.

Karga ni Gerald ang ina­anak na si Clint.

“Hindi na magkakasakit si Clint, Nanay dahil binyagan na siya.’’

“Oo nga Gerald. Salamat muli.’’ (Itutuloy)

Show comments