^

Punto Mo

Batang babae na walang kamay, nanalo sa National Handwriting Award

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING pinahanga si Annie Clark, 7-taong gulang ng Pittsburgh, South Western, Pennsylvania. Nanalo siya sa Penmanship Award na inisponsor ng Zaner-Bloser Inc. Ang nakahahanga kay Annie --- wala siyang mga kamay!

 

Si Annie, ampon ng mag-asawang Tom at Mary Ellen Clark, ay tumanggap ng $1,000 bilang premyo. Tinanggap ni Annie ang pagkilala at premyo sa Wilson Christian Academy sa West Mifflin.

Ang Penmanship Award ay inilunsad noong 2011. Ang unang tumanggap ng pagkilala sa award ay si Nicholas Maxim. Si Nicholas ay wala ring mga kamay.

Makaraang tanggapin ni Annie ang kanyang award, ipi­nakita niya kung paano siya magsulat. Iniipit ni Annie ang lapis sa kanyang dalawang siko at nakapagsulat siya nang maayos.

Nang tanungin si Annie kung nininerbiyos, hindi naman daw gaano.

Ang mga magulang ni Annie na sina Tom at Mary Ellen ay may siyam na anak --- tatlo ay tunay at ang anim ay mga ampon na pawang galing sa China, at kabilang si Annie.

Si Annie ay isa sa apat na ampon na may disabilities sa kanilang kamay at palad. Mayroon din silang ampon na may Down Syndrome. Ayon kay Mary Ellen, hindi naman daw nila hinahanap ang mga inaampon nilang mga bata na may special needs. Pero ang mga ito raw ay kusang napapunta sa kanila. Siguro raw sadyang kaloob sa kanila ng Diyos ang mga bata. Ito raw marahil ang gusto ng Diyos para sa kanila.

vuukle comment

NATIONAL HANDWRITING AWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with