^

Punto Mo

Pinakamatabang tao sa mundo, nagawang kalahatiin ang timbang sa loob ng 2 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAGAMA’T 10 taon nang nakaratay ang kinikilalang pinaka-obese na tao sa mundo nagawa niyang magbawas ng 630 pounds sa loob lamang ng dalawang taon.

Bago niya sinimulan ang pagpapapayat ay higit 1,300 pounds ang timbang ng 32-anyos na taga-Aguascallentes, Mexico na si Juan Pedro Franco.

Dahil sa kanyang higit isang toneladang timbang, napilitan si Franco na magtungo sa siyudad ng Guadalajara para sa surgery.

Sumailalim si Franco sa tinatawag na sleeve gastrectomy at gastric bypass bukod sa pagpapalagay sa kanyang bituka ng tinatawag na gastric band.

Matapos ang dalawang taon ng pagpapapayat, hindi lang timbang ang nabawas kay Franco dahil pati ang mga gamot na kanyang iniinom para sa diabetes at high blood pressure ay nabawasan din.

Bagama’t kailangan pa niyang magbawas ng karagdagang 330 pounds ay malaya nang nakakalakad at nakakagalaw si Franco, na rati ay hindi makatayo mula sa kanyang higaan sa loob ng 10 taon.

Ayon kay Franco, anim na taong gulang pa lang siya ay nasa 130 pounds na ang kanyang timbang at simula noon, higit 14 pounds ang nadaragdag sa kanyang timbang kada taon.

vuukle comment

JUAN PEDRO FRANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with