^

Punto Mo

Mga bulok na truck alisin na para walang trapik!

PULSO NG MASA - Pang-masa

Nabasa ko ang inyong editorial na tumatalakay sa grabeng trapik sa Metro Manila at ang dahilan nito ay ang mga lumang trailer truck na yumayao’t patungong port area. Dahil sobrang dami ng mga truck na ito, inookupa na ang lane pati sa private vehicle.

Ang mga lumang truck na ito rin ang dahilan kaya nagkakabuhul-buhol ang trapiko dahil walang disiplina ang mga drayber. Palibhasa’y malalaki walang patumangga kung ihambalang ang kanilang sasakyan.

Ang mga bulok ding truck ang nagpapagulo ng trapiko sapagkat biglang titirik sa gitna ng kalsada. Bukod dito, nagdudulot ng trahedya sapagkat inaararo ang mga sasakyang nasa unahan o ang mga nakaparada dahil nawalan ng preno. Ilan na ba ang namatay dahil sa mga bulok na truck na dispalinghado ang preno.

Tama lamang ang hakbang ng Department of Transportation na walisin na ang mga lumang truck sa kalsada. Ngayon na ang tamang panahon.

-- LEONARDO MAABAY, Sct. Limbaga, Quezon City

vuukle comment

TRAPIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with