^

Punto Mo

EDITORYAL - Kawawang Filipino at Panitikan subjects

Pang-masa
EDITORYAL - Kawawang Filipino at Panitikan subjects

WALA nang Filipino at Panitikan subjects sa kolehiyo sa susunod na school year. Ito ang kautusan ng Supreme Court makaraang alisin ang temporary restraining order (TRO). Aalisin na ang mga ito sa kurikulum. Nasunod din ang kagustuhan ng Commission on Higher Education (CHED). Ang CHED ang nagpanukala na huwag nang ituro ang Filipino at Panitikan sapagkat napag-aralan na sa primary at high school ang mga nasabing subjects. Naging core subjects din ito sa K-12 program kaya nararapat nang alisin sa kolehiyo.

Hindi tama ito. Hindi pa sapat ang napag-aralan ng mga estudyante sa mga nasabing subjects kaya hindi dapat alisin. Sa kasalukuyan, may mga estudyanteng salat pa sa kaalaman sa Filipino at kung aalisin ito sa kurikulum, lalo nang liliit ang tsansa nilang makahukay pa nang kaalaman sa wika. Paano sila mahahasa sa pagsasalita sa sari-ling wika?

Ang pag-aalis din sa mga nasabing subject ay pag­labag din sa nakasaad sa batas na dapat palawakin ang pag-aaral ng Filipino. Kapag hindi na itinuro ang Filipino at Panitikan, maaaring matulog na ang sariling wika at hindi na ito uunlad pa. Paano na ang hinaharap ng wika kung ganito ang gagawin? Nakadidismaya na ang pagtuturo sa sariling wika pa ang napagdiskitahang alisin.

Paano na rin ang kalagayan ng mga guro sa Filipino at Panitikan? Saan sila pupulutin ngayon? Parang inalisan na sila ng karapatan sa ginawa ng CHED. Saan hahantong ang kawawang mga guro ng Filipino at Panitikan? Nasa 10,000 guro sa Filipino at Panitikan ang mawawalan ng hanapbuhay.

Sumasaludo naman kami sa mga unibersidad na nagpahayag na itutuloy nila ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kabila nang utos ng Supreme Court. Patuloy pa rin nila itong isasama sa kurikulum. Ang dalawang unibersidad na patuloy na ituturo ang Filipino at Panitikan ay ang University of Santo Tomas at University of the Philippines. Sana may iba pang unibersidad at kolehiyo na ganundin ang gawin. Hindi dapat alisin ang Filipino at Panitikan.

vuukle comment

PANITIKAN SUBJECTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with