^

Punto Mo

MIAA ready sa ‘oplan Undas’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

UMALAGWA na ang paghahanda ng pamunuan ng Manila International Airport Authority sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Pista ng mga Patay o Undas sa susunod na linggo.

Ngayon pa lang ay nasa hightened alert na ang mga autoridad sa apat na terminal sa NAIA para magmanman sa mga nais maghasik ng lagim sa paliparan.

Ibinida ni MIAA general manager Ed Monreal, ang mga adjustments na ginawa nila sa susunod na linggo ay ang maagang pagbubukas ng mga check - in counters para maiwasan ang mga congestion.

Hiniling niya sa mga airline companies na magdagdag ng mga tauhan nila sa check-in counters para maiwasan ang mahabang pila at mapabilis ang check-in ng mga pasahero nila.

Pinayuhan ni Monreal, ang mga pasaherong pupunta sa NAIA na gamitin ang NAIA expressway  para maiwasan ang mabigat na traffic sa bisinidad ng NAIA complex.

Sa mga pasaherong sasakay ng domestic flights o iyong pupunta ng mga probinsiya at may mga international flights ay agahan ng tatlong oras ang pagpunta nila sa airport dahil sa inaasahang traffic at mga check-points.

Mga dalawang oras bago ang domestic schedule flights ay bubuksan na ang check-in counters  habang tatlong oras naman para sa mga international counters.

May abiso ang mga airline companies na 40 minutes bago ang flight ay isasara na ang mga airline counter.

Sinabi ni Monreal, na ipatutupad niya sa MIAA ang “no pocket policy” sa lahat ng mga baggage loaders upang maiwasan ang diumano’y nakawan sa mga kagamitan ng pasahero na nasa bagahe.

Ayon kay Monreal, tumaas ng 20% ang on-time flight sa NAIA ng ilipat ang general aviation sa Sangley point sa Cavite, kamakailan.

Ingatan din ang mga salisi, mga magnanakaw at mga abusadong taxi drivers

kung may kaduda-duda silang mga taong makikita sa airport ay ipagbigay alam ang mga ito sa mga autoridad na gumagala-gala sa paliparan o sa mga security guards para mabigyan ng aksyon ang mga ito o mahuli.

Huwag tatanggap ng mga padala sa mga taong hindi ninyo kakilala baka ang laman ng bagahe i-aabot sa inyo ay may laman na droga o pampasabog.

Ika nga, kulong kayo !

KFR huli sa NAIA

Ikinatuwa ng madlang peopla ang pagkakahuli ng mga autoridad sa apat na miembro ng kidnap for ransom group sa NAIA Terminal 3.

Ang mga naghihimas ng rehas sa Crame ngayon ay ang mag-watot na Jayson at Liezl Inojardo, ang dalawang tsekwang kasapakat ng mga ogag na sina Lou Zhi Giang at Lou Jianzhong.

Sa magandang ugnayan ng mga autoridad timbog ang mga kamoteng kidnappers.

Buti nga !

Si Ahirong Lin, biktimang dinukot ay itinakbo ng mga autoridad sa ospital dahil sa takot na papatayin ito kapag hindi nagbigay ng ransom money.

Nagsumbong ang pamilya ng biktima at nagpatulong sa mga alagad ng batas.

Nakita ang mga kamote ng magkasa ng rescue operation ang kapulisan matapos makatanggap ng intelligence report na magkakaroon ng transaksyon ang grupo ng KFR kasama ang kaniang biktima at doon sila makikita sa isang parking lot sa NAIA Terminal 3.

Umiwas pa ang mga kamote sakay ng Toyota Innova na may plate number ARA - 3842 sa ginawang random inspection.

Hinarang ang mga suspects at pinababa ng sasakyan at presto huli sila at ligtas ang biktima.

Sinasabing may mga kasamahan pa ang grupo sa isang probinsiya sa southern part of the Philippines my Philippines.

Abangan.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with