^

Punto Mo

Utol (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ITUTULOY ko pa ba Gerald?” tanong ni Nanay Luisa. “Nasasaktan ka na yata sa mga inilahad ko.’’

“Sige po, Nanay. Ituloy mo. Nagulat lang ako sa ibang sinabi mo dahil kakaunti lang kasi ang sinabi ni Papa sa akin noong malapit na siyang mamatay. Hindi naman ako nasasaktan dahil alam ko na rin naman ang nangyari. Nakadarama lang ako ng pagkaawa sa aking mama sapagkat nangyari ang lahat sa mismong bahay pa. Pero nangyari na iyon at wala na rin naman si Mama at Papa kaya natatanggap ko na. Kailangang mag-move on na ako. Sige po Nanay, ituloy mo na. Kaila-ngang malaman ko ang lahat para alam ko ang gagawin sakalit magkaharap kami ng maid na si Catalina at ng anak sa kanya ni Papa.’’

Napamaang si Nanay Luisa.

“Bakit Gerald, gusto mong hanapin si Catalina?’’

“’Ang huling kahilingan po sa akin ni Papa bago mamatay, hanapin ko ang anak niya sa maid. Yun lang po.’’

“Ganun ba? Hindi nasabi sa akin ni Julia na hahanapin mo ang anak ni Sir Jaime – ng iyong papa.’’

“Gagawin ko po iyon bilang pagsunod sa huling hiling ni Papa kahit masakit sa akin dahil naapi si Mama.’’

Napahinga si Nanay Luisa sa sinabi ni Gerald. Hala-tang mahal na mahal ni Gerald ang yumaong ina.

“Sige po Nanay ano na ang nangyari kina Papa at kay Catalina?’’

“Nagpatuloy nga ang relasyon ni Sir Jaime at Catalina kahit na nakauwi na ng bahay si Mam Sofia mula sa ospital. Madalas kasing maospital ang iyong mama, Gerald. Kaunting mahamugan lang si Mam Sofia ay nagkakasakit na. Mahina kasi ang katawan niya.

“Dahil nga natikman ni Sir Jaime ang kasariwaan ni Catalina, kapag nakakakita ng pagkakataon ay pilit na iniraraos nila ang pagtatalik. Ayon sa kuwento sa akin ni Catalina, minsan kahit na nagtatrabaho siya sa bahay ay tatawagin siya ni Sir Jaime at yayayain para magtalik.

“Ayon kay Catalina, sa basement nangyayari ang kanilang lihim na pagtatalik. Hindi umano siya makatanggi sapagkat mahal niya si Sir Jaime.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with