^

Punto Mo

Pinoy sa US, panalo ng P2-M sa ultralotto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAHIT na hindi pa tinatamaan ang higit isang bilyon na jackpot sa lotto ay mayroon namang Pinoy na sinuwerte na sa United States matapos niyang itaya roon ang winning combination mula sa UltraLotto.

Nanalo ang 59-anyos na si Edgardo Antido ng $50,000 (katumbas ng P2.7 milyon) salamat sa UltraLotto winning numbers na kanyang tinayaan sa lotto sa Maryland.

Hinango ni Antido ang mga numerong 12-16-03-38-36 mula sa winning combination ng UltraLotto noong October 9.

Masasabing nakatakda talagang manalo si Antido dahil masuwerte rin niyang napili ang limang numero na mananalo mula sa anim na winning combination ng UltraLotto. Lima lang kasi ang numerong tinatayaan sa lotto sa Maryland.

Ayon sa panayam kay Antido, naisipan daw niyang tayaan ang mga numero mula sa UltraLotto isang araw matapos mapanood niya ang draw noong October 9.

Plano raw niyang ipunin sa banko at gamitin sa pagbabakasyon ang kanyang napanalunan.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with