6 life tips

1. Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dengue ang lasenggo dahil mas type ng lamok na kagatin ang lasing.

2. Huwag mong orderin ang pagkain na isina-suggest ng waiter. May pagkakataong kailangan nilang i-push  ang mga pagkaing malapit nang ma-expired sa food storage.

3. Katahimikan ang pinakamagandang sagot sa mambobola.

4. Palautot ka ba? Mababawasan ang pag-utot kung kakain palagi ng patatas, saging, asparagus, mani.

5. Mabilis na malilinis ang blender: Lagyan ng baking soda at tubig. Paikutin. Banlawan.

6. Kung ikaw ay 19 years old pababa, may pag-asa ka pang tumangkad. Narito ang 9 na paraan:

1) Tumalon gamit ang skipping rope.

2) Uminom ng gatas

3) Leg kicking exercise

4) Kumain ng soybeans at soybean products

5) Vertical stretch. Tumayo nang tuwid. Itaas-ibaba ang kamay sa ibabaw ng ulo.

6) Animal protein: kumain ng chicken , beef na mayaman sa protina

7) Cobra Pose: Dumapa, pagkatapos ay itaas-ibaba ang buong katawan.

8) Kumain ng itlog

9) Vertical Hang : Sumabit sa steel bar o kahit anong matibay na sanga ng kahoy na puwede mong sabitan upang ma-stretch ang spinal cord at vertebral column.

 

Show comments