^

Punto Mo

Injured na pagong, nakakagapang na muli, salamat sa lego

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG injured na pagong ang nakakalakad na ngayon salamat sa tulong ng isang laruan ng mga bata.

Natagpuan ang tinatayang 18-anyos na pagong ng isang empleyado ng Maryland Zoo na basag ang ilalim na bahagi ng katawan nito dahilan upang mahirapan ito sa paggapang.

Dinala ang pagong sa ospital kung saan inope­rahan ito ng mga beterinaryo upang hindi tuluyang magkawatak-watak ang shell nito.

Tagumpay naman ang naging operasyon ngunit kinailangan pa rin nilang masigurado na hindi lalapat sa lupa ang ilalim na bahagi ng katawan ng pagong upang tuluyang maghilom ito.

Noon nila naisip na bumuo ng “wheelchair” mula sa mga laruang Lego kung saan maaring sumakay ang pagong upang makagapang pa rin ito sa kabila ng kanyang injury.

Ayon kay Garrett Fraess na isa sa mga beterinaryo ay nagpadala siya ng sketch sa kaibigan niyang mahilig sa Lego upang magdisenyo ito ng isang wheelchair na puwedeng gamitin ng pagong.

Ilang linggo matapos ang kanyang operasyon ay ikinabit na sa pagong ang kanyang Lego wheelchair. Inaasahang kakailanganin ng pagong ang wheelchair hanggang sa susunod na taon kung kailan inaasahang lubos nang naghilom ang kanyang nabasag na shell.

Sa puntong iyon, pakakawalan na rin nila ang pagong pabalik sa likas nitong kapaligiran.

vuukle comment

MARYLAND ZOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with