Cellphone ni ‘beauty’, pinatos ng ‘beast” na Grab driver!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - September 22, 2018 - 12:00am

MARAMING istorya ng katapatan na napanood sa telebisyon, nabasa sa diyaryo at social media. Mga tapat na drayber na nagsosoli ng mga naiwang gamit ng kanilang mga pasahero.

Pero paano kung ang naengkuwentro mong drayber ng isang pampasaherong sasakyan ay walang kooperasyon sa iyong reklamo. ‘Di mo tuloy malaman kung intensiyonal na itinago ang gamit na naiwan mo sa kaniyang sasakyan?

Ganito ang sumbong na inilapit ng isang estudyante sa kolehiyo kung saan ‘di sinasadyang naiwan niya ang kanyang iPhone-8 sa grab car na sinakyan. Napansin niya agad ito pagkababang-pagkababa ng sasakyan.

Ang problema, hindi nila makontak si Grab driver, mali ang cellphone number nito na nakarehistro sa grab application. Mabuti na lamang at nagawa nilang kuhanan ng screenshot ang mukha ng driver at plate number ng sasakyan.

Sa pamamagitan ng isang tracker application, natunton ni Isabella kung nasaan ang kanyang cellphone, lumalabas, nasa Tandang Sora ang kanyang cellphone.

Nakumpirma rin ng dalaga na sa Tandang Sora nakatira ito. Siya nga pala, mismong sa bibig ng Grab driver nanggaling ang lugar ng kanyang tirahan nang mainterview ko siya sa Bitag-Kilos Pronto.

Nagawang matunton ni beauty ang facebook account ni beast este ni Grab driver. Ang siste, ang misis nito ang nakikipag-usap sa dalaga.

Nagreport na rin si beauty sa Grab customer service subalit pinangakuan lang nitong kokontakin si driver at oras na ‘di magpakita ay isususpinde ang registration nito.

Ang problema, dalawang linggo na ang nakakaraan, hindi pa rin binabalikan ni Grab ang nagrereklamo. Maging ang mga request nito sa mga detalye ukol sa driver para makapagsampa ng pormal na reklamo sa pulis, inisnab lang ng Grab.

Kaya naman nagpasya na si Isabella na magpatulong sa Bitag-Kilos Pronto.

Nakausap ng BITAG-Kilos Pronto ang pamunuan ng Grab ngunit wala raw silang mabibigay na pahayag sa aming programa.

Kasalukuyan daw nilang iniimbestigahan ang reklamo ng dalaga?
Talaga lang ha? Anya sa pangako niyong 24-hour solution sa reklamo ng inyong customer?

Eto namang si Grab driver na hindi ko muna papangalanan para naman may mukha pang maiharap sa kaniyang mga kaanak at kaibigan, nuknukan din ng sinungaling.

Sa kagustuhang maka-eskapo sa problema, kanda utal na kapapaliwanag. Inamin din niya. Nitong Set. 20 lamang siya tinawagan ng Grab at sinabing may reklamo laban sa kanya.

Kung gaano kamahal ang singil ng Grab, ganoon naman kapalpak ang inyong customer service. Kawawa ang mga kostumer ninyong nagkaka-aberya.

Dahil alam naming wala kaming mapapala sa dalawa, iniakyat na namin ang sumbong sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa opisina ni Atty. Aileen Lizada at Technical Department head Joel Bolano.

Nangako ang LTFRB na agad sosolusyunan ang problemang ito. Sa katunayan, next week ay paghaharapin ang nagrereklamo at mga inirereklamo. Asahan n’yo, tututukan namin ito.

GRAB DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with