^

Punto Mo

Vitamin supplements: Benepisyo o perwisyo?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 1)

ANG vitamins at minerals ay kailangan para maging healthy ang pangangatawan. Ang iba ay uminom ng supplements upang makatiyak na mayroong sapat na bitamina at mineral na pumapasok sa ating katawan. Ngunit bago ka uminom ng mga pildoras, magtanong muna sa doctor. Minsan perwisyo ang dulot nito kaysa benepisyo.

Beta-Carotene: Ang pagkaing umaapaw sa beta carotene ay carrots, spinach, kale, and cantaloupe. Kapag natural na sustansiya na nanggaling sa pagkain, ang beta carotene ay umaaktong antioxidants at anti-cancer. Ngunit kung mula sa pildoras at isang smoker ang uminom nito, ito ay magreresulta ng lung cancer.

Folic Acid: Nakukuha ito sa fortified bread and breakfast cereal, legumes, at asparagus. Mga buntis lang ang kailangan nitong uminom upang mapigilan ang birth defects of the brain, spine, or spinal cord. Inirerekomenda ng doctor na kuhanin ang folic acid sa iyong kinakain at huwag sa supplements dahil nagpapataas daw ito ng tsansa ng colon cancer.

Selenium: Ang pagkaing mayaman sa selenium ay seafood, lean meat and poultry, eggs, legumes (beans and peas), nuts, seeds, and soy products. Ang lalaking sapat na ang sustansiya ng selenium sa kanyang katawan pero umiinom pa rin ng selenium supplement ay malakas ang tsansa na magkaroon ng prostate cancer at type 2 diabetes.

VITAMINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with