^

Punto Mo

Bulok na sistema sa BOC, umalagwa na naman!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGPUYOS sa galit si BOC Com. Isidro Lapeña dahil nalusutan na naman ang opisina niya ng 104 alerted containers sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan town na pinamumunuan ni Sub-Port Collector Samson Pacasum na tauhan ni Cagayan de Oro District Collector Jamail Morohomsalic.

Ang mga containers ay kabilang sa mga alerted na mga kontrabando na pinaghihinalaang misdeclared at mga banned items na dumating sa MICT mula noong February 2018  hanggang July 2018 na dapat ay isasailalim sa 100% examinations, pero nakalabas ito kahit wala pang BOC Formal Declaration and Entry documents. Ganito rin ang nangyari sa Port of Manila nang mailusot ang 105 alerted containers. Kambal na garapal? Wow Magic!

• • • • • •

Palusutan blues, asahan na!

Swing ang termino sa ganitong gawain ng mga smugglers at hindi mangyayari ang ganito kung walang kutsabahan sa pagitan ng pass control at ang mga gatekeepers na mga Customs police.

Garapal ito dahil wala pa naman daw BOC Formal Entry Documents na nai-file sa CDO District Collection Office na sumailalim sa physical examination. Samakatuwid, peke ang isinumiteng dokumento sa pass control ng MICT na pinagbasehan sa pag-iisyu ng gate pass. Lumang style na ang table examination, at ginagawa ito sa mga suki at regular na nagpaparating ng kargamento, lalo na kung malayo ang location ng containers. Kapag nabubulilyaso ng CIIS at Customs Police, ang brokers naman ang taga-areglo. Siyempre, me gastos!

Dahil sa nangyari, magkakanya-kanyang palusutan dito sina CDO Dist. Collector Jamail Morohomsalic at mga assessment personnel nito dahil wala ngang pinirmahang dokumento ang mga wais na mga examiners, kung totoo!

At dahil sa  hurisdiksyon ni MICT Sub-Port Samson Pacasum nangyari ang himala, t’yak na sibak ito at mga tauhan nito, pero ibang usapin na ito kung sinong kakanta ng awiting Boom tara-tara at Hahanapin Ko,  puwera na lang kung paiiralin ni Lapeña ang actus est actus omnium o an act of one is an act of all. Okey, ready, sing!

• • • • • •

Tongpats at tara umaarangkada ulit?

Petmalu raw na gumagala sa bakuran ng BOC sina alyas Lester, Arlene, Andre-Babalu Pulis Aduana, Kiko Lloyd, Josefina, Tots, Ara at Alex Taba. Kanino kaya silang mga alagad?

Kung tara ang inaasinta ng  mga ito, dapat asintahin na rin ni Commissioner Sid Lapeña ang mga loko at huwag na niyang hintayin na makapagmura na naman si President Digong.

vuukle comment

ISIDRO LAPEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with