^

Punto Mo

Biktima ng maling pagkakakilanlan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI lahat ng inaresto’t nakakulong ngayon sa presinto, guilty sa kaso! ‘Yung iba, biktima ng mistaken identity. Napagkamalan lang, dahil kahawig at kapangalan o di naman kaya dahil sa maling paratang.

Sa tala ng United Nations, pang labintatlo ang Pilipinas sa may pinaka-maraming bilang ng populasyon sa buong mundo na umaabot sa higit 106-million. Pero sa kabila ng napakala-king bilang na ito, di pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng kapangalan at kamukha ang isang indibidwal.

Dahilan kung bakit patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng kasong mistaken identity. Di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Sa tagal ng BITAG sa larangan ng serbisyo publiko, ilang kaso na rin ng mistaken identity ang aming tinutukan at inimbestigahan. Sa katunayan, isa pa nga sa mga biktima ay mayroong kapansanan. 

Mga napagkamalan, inaresto at kinulong dahil lamang sa isang bintang at maling pagkaka-kilanlan. Pero dahil sa kasalatan, di nagawang ipagtanggol ang sarili sa hukuman. Pinagdurusahan ang kasalanang hindi naman ginawa.

Habang ‘yung mga tunay na may sala, nakagagalaw ng malaya at walang pag-aalinlangan. Patuloy na nagtatago at umiiwas sa batas at ang nadidiin ‘yung mga inosente sa krimen.

Kung tutuusin, di naman sana mahirap na ipagtanggol ang kanilang sarili at patunayan ang pagiging inosente. Problema nga lang, hindi sila pinakikinggan. Wala ring pera pambayad ng magagaling na abogado para maipanalo ang kaso. Mahirap na nga, pinahihirapan pa. Kumbaga, those who are less in life, are less in law.

Pero paglilinaw ng operatiba at NBI, hindi lahat ng umaapelang biktima ng mistaken identity ay dapat agad-agad na pinaniniwalaan. Sa kanila kasing pag-aaral, madalas din itong ginagamit ng mga kriminal para makaiwas at makalusot sa kasalanan. Kaya kailangan maging maingat at masusi ang kapulisan maging ang hukuman pagdating sa ganitong bagay.

Iisa lang ang layunin ng BITAG, ang makatulong sa imbestigasyong makakatukoy kung sino talaga ang nagkasala at karapat-dapat masakdal sa hukuman. Kahit ano pa ang estado sa buhay, mahirap man o mayaman, kailangan ng pagkaka pantay-pantay lalo na kung batas at hustisya ang paguuspan.

vuukle comment

UMIIWAS SA BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with