^

Punto Mo

EDITORYAL - Sa NPA na lang makipag-usap

Pang-masa
EDITORYAL - Sa NPA na lang makipag-usap

MAS magiging makabuluhan kung sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na lang makipag-usap ang gobyerno kaysa sa pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP). Malabo nang magkasundo sina Pres. Rodrigo Duterte at CPP chairman Jose Maria Sison. Pawang pagtatalakan na lang ang nangyayari sa dalawa. Pareho kasing matigas kaya walang kapupuntahan ang pag-uusap nila. Gusto ni Duterte na dito sa bansa mag-usap dahil nandito ang problema. Sabi naman ni Sison, mas maganda kung sa ibang bansa dahil may mamamagitan. Lalong lumubha ang talakan nang kanselahin na ni Duterte ang naka-eskedyul na pag-uusap noong Hunyo 28. Hanggang sa sinabi umano ni Sison na mas madali pa raw pabagsakin si Duterte kaysa makipag-usap dito. Napabalita na hanggang Oktubre na lang ang Duterte administration.

Wala nang patutunguhan ang usapan. Kahit anong gawin, mahirap nang magkasundo ang pamahalaan at si Sison na ilang dekada na ring nakatira sa The Netherlands. Habang naroon siya, walang tigil naman ang New People’s Army (NPA) sa pakikipagbakbakan. Habang masarap ang buhay ni Sison sa exile, namumundok naman ang NPA, walang makain at nagkakasya sa panghihingi ng revolutionary taxes.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Malacañang na isinusulong nila ang localized peace talks sa mga rebeldeng NPA. Mayroon nang nakahandang guidelines ang Malacañang para sa localized peace talks at tatalakayin ito sa special cluster meeting sa Miyerkules. Tatalakayin sa meeting ang pagpapahintulot sa mga local officials na makipag-usap sa mga rebelde ukol sa kapayapaan. Isang executive order umano ang iiisyu para mapagtibay ang guidelines sa localized peace talks sa mga rebelde.

Maganda ang planong ito kaya nararapat suportahan. Baka ito na ang kasagutan sa matagal nang minimithing kapayapaan. Sa NPA na lang makipag-usap at huwag sa CPP chairman. Maaa-ring mapadali ang pag-uusap kung sa mga totoong nakikipaglaban makikipag-isa.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with