^

Punto Mo

Matandang Tinali (163)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAHIHIYA ako Dong, nakita mo na ang katawan ko. Kung bakit kasi biglang lumabas ang bayawak na iyon. Hindi sana ako nagsisigaw,’’ sabi ni Joy na hindi makatingin kay Dong.

“Eto naman, parang may nabawas na sa pagkatao mo dahil nakita ko na ang katawan mo.’’

“E kasi pati itong boobsie ko nakita mo. Kakahiya talaga!’’

“Ano bang nakakahiya roon?’’

“Ikaw pa lang kasi ang nakakakita ng katawan ko at pati boobsie.”

“E di masuwerte pala ako. Dapat pala e magtatalon ako sa tuwa dahil ako ang nakakita ng wankata mo.’’

‘‘Hindi ba bumababa ang pagtingin mo sa akin, Dong. Kasi’y naliligo ako nang walang saplot dito sa sapa.’’

“Bakit naman bababa ang pagtingin ko sa’yo dahil dun?’’

“Kasi nga baka akalain mong malandi ako. Ka-babaing tao e maliligo nang walang saplot.’’

“Naku hindi. Siyempre maliligo e ‘di talagang dapat walang saplot. Aba nakakahiya lalo kung maliligo ka na naka-saya o nakapantalon.’’

Nagtawa si Joy.

“Puro ka biro Dong.’’

“Totoo naman di ba?’’

“Pero totoong hindi ka nalalaswaan sa akin, Dong.’’

“Hindi nga. Kaya huwag ka nang mahiya.’’

“Ikaw lang talaga ang unang nakakita ng katawan ko Dong. Unang lalaki na nakamalas sa boobsie ko.’’

‘‘Kaya nga masaya ako, Joy. Masayang-masaya.’’

Sumimangot si Joy.

Maya-maya biglang nawala si Dong. Sumisid.

Takang-taka si Joy kung saan nagpunta si Dong.

“Dong! Dong! Nasaan ka Dong!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with