Job well done, PNP-CIDG

NASUNGKIT ng mga alagad ng batas ang dalawang suspects sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote last July 3.

Ikinanta ng dalawang suspects ang umarkila sa kanila para upakan si Mayor. Mukhang negosyo ang dahilan daw ng tirahan pero hindi politika.

Sana maganda ang ikinanta nila !

Ang mga hired killers ay sina Florencio Suarez at Robert Gumacay na nasa custody ng pulisya sa Region 3.

Iba’t-ibang klase ng boga at may granada pa daw ang nakuha sa dalawang hired killers ng mahuli ito sa Camarines Sur.

Siguro parang dagang sumisiksik sa lungga ngayon ang mastermind kay Mayor.

Sabi nga, huwag kang gaanong magtago at sumiksik baka hindi ka makahinga at matigok ka rin.

Abangan.

• • • • • •

Mag-utol na bebot tigok sa pagkain?

Nakikiramay ang Quesejoda sa pagkamatay ng magkapatid na paslit dyan sa Camarines Sur, matapos daw silang makakain ng ‘isaw’ at ‘betamax’ na kanilang binili.

Sina Lyka, 10 years old at Mary Joy Alba, 13, ay kinuha ni Lord pero ang kanilang utol na kelot na si JR, ay nakaligtas kay kamatayan dahil nailuwa daw nito ang hindi na maganda ang lasa na isaw at betamax na kinain nilang tatlo.

Ang nagbenta ng pagkain ay dapat hulihin para magpaliwanag at kung talagang nagkasala ay dapat managot sa batas.

Hindi pa matiyak kung na food poison ang mga ito sa kanilang kinain.

Hindi matanggap ng pamilya ng dalawang bata ang nangya-ring pagkamatay ng mga ito.

Ikinalulungkot natin ang pagkawala ng dalawang bata.

Amen!

Show comments