Kuwento ng ‘galit’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - July 6, 2018 - 12:00am

WORLD War II. 1945. Galit na galit na ang mga Amerikano sa kalabang Hapones. Matitigas ang mga sakang, ayaw sumuko. Sabi ng mga adviser ni President Truman:

“Mr. President, ngayon na ang tamang oras upang gamitin natin ang “huling baraha” para matigil na ang giyerang ito. Hindi ugali ng mga sundalong Hapones ang sumuko sa gitna ng laban dahil labag iyon sa Japanese military code of honor. Kung hindi susuko ang mga sakang na iyan, marami pang buhay ang malalagas dahil hindi matatapos ang giyera.”

Sa isang iglap, August 9, 1945, pinasabog ang isang mala-demonyong armas na kung tawagin ay nuclear bomb sa Nagazaki, Japan. Maraming sibilyang Hapones ang namatay. May nagsabing ang isa sa napuruhan ng bomba ay isang sanggol na kapapanganak pa lang, isang oras ang nakararaan.

Pagkaraan ng 24 na araw, September 2, 1945 ay sumuko ang mga Hapones. Hindi dahil natakot sila sa nuclear bomb. Nagdeklara na ng giyera ang Soviet Union sa Japan. Naisip ng mga sakang, mahirap talunin ang dalawang higanteng bansa—US at Soviet Union.

Kung naghintay lang sana ng ilang araw ang mga Amerikano. Kung hindi sana nanaig ang galit sa kanilang kalooban, wala sanang nuclear bomb na sumabog sa Nagazaki. Masaya sanang nakikipaglaro ang sanggol na iyon, na marahil ay lolo o lola na ngayon, sa kanyang mga apo.

WORLD WAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with