^

Punto Mo

Dampot tambay, crying like a cow?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NANG medyo malaos ang ‘tok­hang’ sa Philippines my Philippines kamakailan, dahil uminit around the world ang issue ng ‘extra judicial killings.’ Pinauuso naman  ngayon ang tinaguriang  ‘dampot tambay’ sa Metro Manila, kaya tuloy mukhang may paligsahan ang mga foolish cops sa paramihan ng huli ng mga pobreng alindahaw.

May premyo kaya rito?

Hindi naman tayo kontrabida sa mga city ordinance na matagal natulog at hindi gaanong pinatupad pero ngayon gising na gising na ito kaya kailangan sundin ang batas.

Bakit kaya halos lahat ng puersa ng kapulisan partikular ang taga-NCRPO ay tila nakasawsaw sa oplan ‘dampot-tambay?’ 

Mukhang matindi ang publicity na ginagawa nila!

Mga pulis nga ba ang dapat dumisiplina sa mga ‘dampot tambay?’

Yes. Bakit?

Para sundin nila ang batas dahil iba makiusap ang pulis hindi katulad ng ibang bright dyan hindi pinapakinggan ng mga kabataan sa lansangan.

Paano pakikinggan, eh, bingi sila sa gustong mangyari ng gobierno?

Tanong  - paano nga pala iyong pinag-himas nila ng rehas na isang simpleng empleado ng call center na ikinulong ng mga foolish cops sa presinto?

Nalabag ba ang karapatan pantao nito?

Siempre, kamote.

Ano ngayon ang mangyayari sa pobreng alindahaw na ikinulong paano ang police record niya?

Sino ang nag-piansa rito ? Paano ito pinalabas ng kulungan? 

Naku ha!

Hay, naku, human rights, mukhang wala ito sa Philippines my Philippines?

Totoo kaya ito?

Ngayon nabulabog ang madlang pinoy sa ginawang ‘dampot tambay’ siguro kailangan lang ng police visibility o foot patrol para magsipasok na ang mga tambay sa kanilang haybol at hindi na kailangan pang damputin.

Puera na lamang kung may oplang ‘dampot kriminal’ ibang usapan ito.

Ayon sa usap-usapan sa pamilihan bayan nina Aling Bebang at Mang Intong kung ang mga hayop tulad ng pusa at aso sa kalsada ay pinoprotektahan nang batas sa ilalim ng Animal Welfare Act .

Bakit ang tambay wala ba? kaya dinadampot na lang ng basta-basta!

Abangan.

 • • • • • •

Happy Birthday, Very Worshipful  Bro. Biyong Garing

Ngayon 11:30am on ward, ang umaatikabong kainan sa kaarawan ni Kuyang Biyong sa Muntinlupa City, kaya naman ang mga brethren ay may baon pang plastic para paglagyan ng food pang uwi.

Naku ha!

Ok, lang kay Kuyang Biyong dahil mas gusto niyang walang matira sa pagkain kaysa marami ang matira para kahit papaano ang mga hindi isinamang Ateng ng mga brethren ay makakain ng kanyang handa.

Anyway, Kuyang, Happy 60th Birthday, from the bottom of our heart!

 

 

vuukle comment

DAMPOT TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with