3,000 backpacks, nagawang punuin ng school supplies sa loob ng 5 minuto

HIGIT 500 na staff ng Brown University sa Rhode Island, USA ang nakapagtala ng bagong world record nang magawa nilang punuin ng school supplies ang 3,000 backpacks sa loob lamang ng limang minuto.

Nagtipon-tipon ang mga staff members sa Meehan Auditorium ng nasabing unibersidad para sa world record attempt.

May isang oras pa sana ang mga kalahok para makapagtala ng bagong world record ngunit kinailangan lamang nila ng 5 minuto para mapuno nila ng pencils, notebooks, glue sticks, erasers at pakete ng crayons ang bawat backpack.

Nahigitan ng mga taga-Brown University ang dating world record na 1,512 backpacks.

Nakipagtulungan ang nasabing unibersidad sa United Way of Rhode Island upang maipamahagi ang mga backpack sa batang mangangailangan ng gamit sa eskuwelahan ngayong magsisimula na ang summer classes sa Amerika.

Show comments