^

Punto Mo

EDITORYAL – Babala sa mga corrupt

Pang-masa
EDITORYAL � Babala sa mga corrupt

ISA sa mga ayaw ni President Duterte ay ‘yung gagamitin ang kanyang kamag-anak para lamang makakuha ng proyekto sa gobyerno. Noon pa ay sinabi na niya na kahit kaibigan o ka-brod kapag gumawa ng katiwalian ay sisibakin niya. Wala nang tanung-tanong pa. Ayaw niya ng corruption at ito ay lagi niyang sinasabi sa mga opisyal at empleado ng gobyerno.

Noong Lunes, meron na naman siyang sinibak sa puwesto ito ay pagkaraang malaman niya na kinausap ng opisyal ang kanyang kapatid para makakuha nang malaking proyekto sa Mindanao.

Sinibak niya si Department of Transortation (DoTr) Assistant Sec. Mark Tolentino na umano’y ka-brod nito sa San Beda School of Law. May kaugnayan sa 2,000 kilometrong railway project sa Mindanao ang dahilan ng pagkakasibak kay Tolentino.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nag-anunsiyo sa pagkakasibak kay Tolentino, huwag na huwag daw susubukan ang Presidente at masisibak ang mga nagnanais na kumausap sa kanyang mga kamag-anak. Huwag daw itong gagawin sapagkat dito galit na galit ang Presidente. Nagbabala rin si Roque na huwag maniniwala sa isang “fixer” sa Judiciary na nagpapakilalang kamag-anak ni Duterte. Lumabas ang isang report na ang dating asawa raw ng anak na lalaki ni Duterte ay nagpapakilalang malakas sa judiciary. Sabi ni Roque, walang kaugnayan dito ang Presidente kaya mag-ingat ang lahat sa babaing “fixer”.

Marami pa raw sisibakin ang Presidente sa mga susunod na araw. Lima pang opisyal ang nakapila. Kaya mahigpit ang babala niya, singaw lang ng corruption sa tanggapan ang malanghap niya, masisibak agad. Wala nang tanung-tanong pa.

Marami nang sinibak si Duterte at kabilang dito ang namumuno sa DILG, NIA, DOJ at iba pa. Dalawang linggo na ang nakararaan, nagbitiw sa puwesto si Tourism Sec. Wanda Teo dahil sa P60 milyon ad placement sa PTV4 kung saan may programa ang kanyang mga kapatid. Kamakalawa, nagbitiw na rin si Cesar Montano sa DOT dahil sa P80-milyon “Buhay Karinderia”.

Sa dami ng mga corrupt, baka maubos ang mga ini-appoint ni Duterte.

vuukle comment

CORRUPT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with