^

Punto Mo

Albayalde: Trabaho, hindi pitsa, ang dapat nasa isipan ng police recruits!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TINULDUKAN na ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang hokus-pokus sa recruitment ng mga bagong pulis. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na maraming reklamo sa recruitment process ng PNP na kadalasan sa mga graduate ay semplang at hindi serbisyo ang nasa isip kundi pitsa. Bakit? Kasi nga kalimitan sa mga graduate ng 6-months basic training course ay nagbayad, lalo na sa kanilang neuro-psychiatric examinations kaya hayun kapag lumabas na sila sa kampo, may pagkataon na sila pa ang pasimuno sa kaguluhan o dili kaya’y sa krimen pa mismo. May kaso rin na ang mga police applicants ay nagbabayad sa kanilang training officers, na kadalasan ay mga retirable na, kaya’t sa paglabas nila ng kampo, ang unang nasa isip ay hindi ang magserbisyo sa publiko kundi kung paano bawiin ang ginastos nila. Get’s n’yo mga kosa? Matagal nang pinag-isipan ng PNP kung paano maresolba ang problemang ito para ang mga bagong pulis ay trabaho lang ang iisipin para sa ikagaganda ng PNP subalit mukhang si Albayalde lang ang nakaisip ng tamang paraan para matuldukan ito. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang medical equipment na tinatawag ni Albayalde na Robust, Neuro-Psychiatric, Medical, and Dental System for Police Applicants (RONMEDDS) na idi-deploy ng PNP sa lahat ng Regional Health Service sa bansa. Ang RONMEDDS mga kosa ay magsisillbing computerization, bar-coding at nationwide database ng RHS sa lahat ng datos ng police applicants. Itong bagong sistema ayon kay Albayalde, ay incorruptible, at magiging mabilis ang pagkalap ng neuro-psychiatric, medical at dental processing ng mga aplikante. Sa RONMEDDS, walang makikitang pangalan ng police applicants para maalis ang tinatawag na tampering o manipulation ng results sa exam forms dahil anonymous nga ang lahat na aplikante. Get’s n’yo mga kosa? Kasi nga sa nakaraang mga recruitment, may reklamo pa na nasa unahan na ang papeles ng aplikante subalit pagbalik niya kinabukasan ay wala na ito sa pila. May aplikante naman na hindi pumasa sa neuro subalit matapos magbayad ng P35,000 eh pasado na sila. Boom Panes! Hak hak hak! Malaking tulong ang RONMEDDS para ang mga bagong pulis ay talagang walang semplang sa utak, kalusugan sa katawan at ngipin.

At para nga hindi madaya ang sistema ng RONMEDDS, ang makikita lang ng encoder sa computer pages ay puro bar codes at hindi n’ya alam kung sinu-sino ang mga ito. Matapos ma-encode ang resulta ng neuro-psychiatric test, medical at dental nila, pinal na ito at ang maaring mabago lang sa utos ng Chief RHS, chief medical officer at Regional Director, na lahat may hawak na pass codes. At kapag nagsagawa ka ng pagbabago sa RONMEDDS, hindi rin maitago ito dahil  mag-iiwan din ng ebidensiya dahil nakadikit dun ang pangalan ng gumawa nito. Ang may responsibilidad naman para madesisyon ukol sa discrepancy ay ang chief RHS o and regional director ng PNP. Ang RONMEDDS mga kosa ay idi-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya bad news ito sa mga police applicants na na-disqualify sa isang lugar dahil hindi na sila makapag-apply sa iba pang lugar ng Pinas dahil nakaimbak ang dato nila sa RONMEDDS, di ba mga kosa? Boom Panes! Hak hak hak! Bakit ba si lbayalde lang ang nakaisip ng sistemang ito? Hehehe! Nagmukhang sipsip na ba ako mga kosa?

Kaya naman naisip ni Albayalde ang sistemang ito ay dahil habang nasa NCRPO pa s’ya, ipinaparating palagi ng Supalpal sa kanya ang datos na puro Police Officer 1 (PO1) ang sangkot sa extortion, kidnapping at pati sa droga. Kaya’t itong sablay na recruitment process ng PNP ang itinuturong dahilan na nagtulak kay Albayalde para tuldukan na ang lumang sistema. Sa tingin ko naman, dahil dinoble na ni President Digong ang suweldo ng PNP, dapat lang sigurong makinabang din ang publiko na nagbabayad ng tax para isuweldo sa kanila, sa pamamagitan ng maganda at tamang serbisyo, di ba mga kosa? Matagal pa bago magbunga ang proyekto ni Albayalde subalit sa tingin ko nasa tamang hakbangin siya para maitaas ang antas ng PNP. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kaya’t sa unang police recruit sa liderato ni Albayalde, tiyak puro snappy, mabibilog ang pangangatawan at higit sa lahat nasa tamang pag-iisip tungo sa tamang serbisyo publiko. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with