Walang padulas
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - May 13, 2018 - 12:00am

Ang aking latigo at ngayo’y pinipilantik

pero banayad lang hindi masakit;

sa likod ng mga taong totoong masungit

dahil nasa puwesto sa ating politics!

 

Mga empleyado sa ating gobyerno

ay maraming-marami mga abusado;

kapag may lumapit ang dala’y reklamo

hindi papansinin lumalayo ito!

 

At kung reklamo sa mga opisyal

ituturo ito sa malayong lugar;

kung saan naroon hindi niya alam

hanggang sa ang tao’y umalis na lang!

 

May empleyado namang kapag ang lumapit

ay walang «padulas» pagka’t ito’y gipit --

umaalis na lang na kimkim ang galit

at nagsumbong na lang sa Haring Langit!

WALANG PADULAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with