Kailan dapat dalhin sa ospital ang natamong sugat? (Huling bahagi)
DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D (Pang-masa) - April 29, 2018 - 12:00am

LAHAT nang sugat ay puwedeng ipasuri sa doktor. Pero mas lalong nangangailangan ng medical attention kapag ang sugat ay malalim, mahaba, at malapad. Ganoon din ang mga sugat na matinding nagdurugo, hindi agad gumagaling, o nagpapakita na ng senyales ng impeksyon gaya ng pamamaga, pagnanana, at may kaakibat na lagnat. Huwag balewain ang anumang sugat sa katawan. May kaso na nagkaroon ng tetano matapos magkasugat. Noon lamang nila naiisip na may kasaysayan pala ng pagkakasugat ang pasyente na di agad nadaluhan.      

Ano ang dapat gawin ng bata para hindi maimpeksiyon ang kanyang sugat?

Gawing regular ang paglilinis ng sugat hangga’t hindi ito gumagaling. Takpan ito ng malinis na gasa matapos linisin ng antiseptic at pahiran ng topical ointment. Iwasan ding palaging salatin ang sugat upang di maimpeksiyon. Huwag ding tungkabin muna ang langib hangga’t di pa ito talagang tuyo baka kasi magdugo ulit ang sugat. Proteksyon natin ang mga langib na yan. Ito ay mga blood cells na platelets na nagdikit-dikit at pumigil sa pagdurugo noong nasugatan tayo. Kung tutungkabin ito prematurely, posibleng muling magdugo. Mararamdaman natin na medyo may pangangati ng langib kapag papagaling na ang sugat.    

Ano ang posibleng mangyari kung hindi nagamot ang sugat?

Mahalaga ang injection ng bakunang tetanus upang maiwasang mauwi sa tetano ang sugat. Lalong importante ito kung malalim o marumi ang naging sugat gaya kung napako o kung nakatapak ng matutulis/matatalas na bagay. Kung inaakala nang marami na di nakamamatay ang sugat, nagkakamali tayo. Marami ng tao ang namatay sa tetano. Ang bakunang DPT Diphtheria-Pertussis-Tetanus) na ibinibigay sa mga sanggol ay proteksyon laban sa tetano. Kailangan din ng booster shot ng tetano habang nagkakaedad tayo. 

Anong dapat gawin kung tuloy-tuloy ang pagdurugo dulot ng pagkasugat?

Kung matindi at tuloy-tuloy ang pagdurugo, diinan ang naturang lugar na nagdurugo gamit ang isang malinis na tela o ng inyong mga daliri hanggang sa makarating sa ospital. Ang pagdiin o paglalagay ng direct pressure sa naturang lugar ay nakatutulong sa pagpapaampat ng pagdurugo.

Ano-ano ang dapat gawin ng bata para mapanatiling malusog ang kaniyang RBC, WBC, at platelets?

Kumain lamang ng balanseng diet lalo na ang pagkaing mayaman sa Iron. 

Matulog nang sapat. Sa panahong natutulog tayo, doon nagre-repair ang ating mga body tissues.

Mag-ehersisyo palagi.

 

OSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with