^

Punto Mo

Staff ng isang restaurant sa Chicago, nakatanggap ng $2,000 tip

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang mga empleyado ng isang restaurant sa Chicago nang bigyan sila ng higit sa karaniwang 20 porsiyentong tip ng kanilang customer.

Para kasi sa halagang $759 (P39,000) na kanyang kinain ay namigay ang isang parokyano ng Boka Restaurant ng $2,000 (humigit-kumulang P104,000) sa mga staff na nagluto at nagsilbi sa kanya.

Nag-abot muna ng paunang $300 na tip ang customer na kinilala lamang sa pangalang “Mike” bago siya pumunta sa kusina ng restaurant at saka binigyan ng tig-$100 ang bawat isa sa 17 staff na nadatnan niya roon.

Laking pasasalamat ng general manager ng restaurant na si Jon Leopold sa pagpapakita ni Mike ng pagpapahalaga sa kanilang trabaho.

Bukod sa salapi na kanyang ipi­namigay ay malaking bagay rin daw ang ginawang pagdalaw ng customer sa kusina upang personal na sabihin sa mga kusinero na masarap ang kanilang mga niluto.

 

vuukle comment

STAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with