^

Punto Mo

Mga dapat iboto sa barangay

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

SA unang araw pa lamang ng filing ng certificates of candidacy para sa halalan ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang isagawa sa May 14 ay umabot na sa mahigit 17,000 ang bilang ng mga aspirante. Bawat barangay ay maghahalal ng chairman at mga kagawad na bubuo sa Sanguniang Barangay.

Napakaraming nagnanais maglingkod sa barangay na “smallest political unit” sa isang komunidad. At bakit nga hindi? Walang suweldo, pero mayroon namang “honorarium.” Pinakamababang puwesto, pero kung tutuusin, ang barangay chairman ang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno, sapagkat mayroon siyang executive, legislative at executive functions.

 May mga nagpapanukala na buwagin na ang Sanguniang Barangay at Sanguniang Kabataan, sapagkat nagiging training ground lamang ang mga ito para sa paggawa ng katiwalian at pagsasamantala. Gayunman, kung talagang magtatrabaho, napakahalaga ng responsiblidad ng Sanguniang Barangay: Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagbabantay laban sa droga, pangangalaga sa mga ari-arian ng barangay, pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng komunidad, pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan at kalayaan ng kababaihan. Kaya kung nasa ayos, ang Sanguniang Barangay ang pinakamagandang training ground para sa maayos na pamamahala.

Dahil ang barangay chairman ang nakalubog sa komunidad, may mga nagsasabi na ang chairman ay kailangang malakas ang loob at may pagkasiga. Ang totoo, marami akong kila-lang barangay chairman na talagang siga-siga. Kung ang pagiging siga ay nangangahulugan ng pagiging buo ang loob, walang kinatatakutan at kinikilingan, may malakas na “political will,” kailangan ngang siga ang mahalal na chairman.

Minsan, sinabi ni Hesus na walang propetang kinikilala sa sariling bayan.  Ang kabaligtaran nito’y totoo rin sa pagpili ng chairman at mga kagawad ng barangay. Dapat sana’y walang  masamang-tao ang mahahalal sa barangay, sapagkat talagang kilala ng mga botante ang mga aspirante. Kilala nila kung sino ang santo at santo-santito; kung sino ang totoo at peke.

Ang barangay election ang magpapakita kung mayroon tayong political maturity o wala. Ito’y isang halalang hindi pinapayagan ang pakikilahok ng partido politikal.  Ito’y non-partisan, ibig sabihin, ang aspirante ay hindi dapat kabilang sa anumang partido.  Dapat mahalal siya dahil sa kanyang magandang reputasyon sa komunidad.

Kapag sa eleksyong ito’y mahalal ang mga kasangkot sa droga, mga sugarol, manginginom,  bastos at walang-modo, talagang wala na tayong kapag-a-pag-asa bilang isang bansa, sapagkat inihalal natin ang mga alam nating hindi karapat-dapat. Maaaring hindi natin masyadong kilala ang kandidato sa House of Representatives, sa Senate, sa pagka-presidente at bise-presidente, pero siguradong kilalang-kilala natin ang mga aspirante sa eleksyon ng barangay.

Huwag ka lamang bumoto. Makilahok ka sa lalo pang pagkilala sa aspirante. At kapag tiyak mo na na talagang karapat-dapat, iindorso mo sa iyong pamilya, mga kamag-anak at kaibigan. Tatlo lang naman ang matatag na basehan ng isang magiging mahusay na chairman at kagawad: Una, may takot sa Diyos. Ikalawa, mahal ang kanyang pamilya. Ikatlo, makabayan. Ang importante dito’y puso, hindi basta talino; malasakit at hindi basta kagalingan; mabuting kalooban at hindi basta mataas na pinag-aralan.

Ang chairman ng barangay ay dapat talagang maging kapitan, puwedeng kumapit sa kanyang katapatan sa paglilingkod. Ang kagawad ay dapat talagang maging kagawad, puwedng gawaran ng pagtitiwala.

Ituring mong banal ang gagawin mong pagboto sa Mayo. Para sa Diyos, sa iyong pamilya, at sa bayan!         

 

vuukle comment

BARANGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with