^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan maniniwala ang DOH?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailan maniniwala ang DOH?

SA kabila na marami na ang namatay (umaabot na sa 100) sa mga batang naturukan ng Dengvaxia, hindi pa rin tumitinag ang Department of Health (DOH). Nananatili pa rin silang naniniwala na hindi ang Dengvaxia ang dahilan nang pagkamatay.

Ang tanong: Kung hindi Dengvaxia, ay anong sakit ang dumapo sa mga bata? Kung hindi Dengvaxia, bakit parehong-pareho ang pattern ng mga batang namatay matapos awtopsiyahin? Nakitaan sila nang pagdurugo sa utak. Mayroon ding namamaga ang kanilang internal organ.

Pero hindi naniniwala ang DOH sa isinagawang awtopsiya sa mga batang namatay. Hindi pa rin sila naniniwala na may kaugnayan ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga bata.

At hanggang ngayon din, wala silang ginagawang aksiyon para masubaybayan ang maraming bata na nabakunahan noong 2016. Wala pa rin silang maipa-kitang masters list ng mga bata na nabakunahan para maging mabilis ang pagtulong sa mga ito.

Umabot sa mahigit 800,000 school children ang nabakunahan at lahat ito ay mga mahihirap. Ayon sa mga magulang ng mga bata, dumating na lamang ang kanilang mga anak na mayroon nang bakuna. Hindi na ipinaalam sa mga magulang na babakunahan ang mga ito.

Ang hinihiling ng mga magulang ng batang nabakunahan, dapat magbigay ang DOH ng mga dapat gawin sakali’t maglutangan na ang sintomas ng dengue sa mga nabakunahan. Ayon sa Sanofi Pasteur, maker ng Dengvaxia, magkakaroon ng severe dengue ang batang binakunahan na hindi pa nagkaka-dengue. Inihayag lamang ito ng Sanofi noong nakaraang Nobyembre 2017.

Noong nakaraang linggo, isang ama mula sa Cavite ang nainterbyu at sinalaysay ang pagkamatay ng anak dahil sa Dengvaxia. Dumaing ng sakit ng ulo ang kanyang anak at namatay. Nahirapan sila sapagkat walang tulong na natanggap sa ospital. Ga-graduate pa naman ang anak niya sa Grade 6.

Ano pang patibay ang hinahanap ng DOH para sila maniwala at kumilos para maagapan ang hindi pa nagkakasintomas? Huwag naman sana na kikilos kapag nakatirik na ang mata ng mga batang nasaksakan ng Dengvaxia.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with