Naiibang summer
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - April 8, 2018 - 12:00am

Ngayon ay summer na pero parang iba

sa nagdaang summer nang panahong una;

Noon kapag summer ang tao’y masaya

pero summer ngayon ay lungkot ang dala!

 

Paanong di-gayon matindi ang init

walang anu-ano ang hangi’y hahaplit;

At sa uulang halos walang patid

ang init at ulan parang magkapatid!

 

Umaga pa lamang kahit na maulap

ang init at ulan naghahari agad;

Ang epekto nito’y tumatamang lahat

sa buong katawan ng nangaglalakad!

 

Kaya ngayong summer ang mga bukirin

kung walang patubig walang aanihin;

Mga magbubukid ay nahihilahil

dahil di-malaman dapat nilang gawin!

SUMMER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with