Masayang daigdig
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - April 1, 2018 - 12:00am

Sana ang daigdig palaging masaya

Walang nag-aaway wala rin gyera;

Ang lahat ng tao ay nagkakaisa

Sa isang layunin kapatiran pala!

 

Pagka’t tayong lahat ay magkakapatid

Pantay-pantay lamang, bigkis ng pag-ibig;

Ang pagmamahalan at taos sa dibdib

Magulang at anak laging magkalapit!

 

Sana tayong lahat pawang nabubuhay

Sa mabuting gawa’t ginintuang pakay;

At ang pulitika -- itakwil ng bayan

Upang sa daigdig lahat pantay-pantay!

 

Sana ang Maykapal tanging mamahala

At dito’y wala ng taong masasama;

Masasamang tao’y hindi na nalikha

Upang sa daigdig lahat ay payapa!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with