^

Punto Mo

Bato, habulin ang PBA ending sa social media!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pala ngayon lang sumibol itong sugal at iba pang raket sa social media kundi noon pa at mukhang walang ginagawa ang Philippine National Police (PNP) para masawata ito. Sinabi ng mga kosa ko na aabot na sa mahigit 1,000 ang grupo na nagpapa-ending sa PBA games at iba pang raket subalit hindi pa sila hinahabol ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa dahil abala sila sa kampanya laban sa droga. Milyones ang kinikita ng mga nasa likod nitong malakihang ending sa PBA at ang nadadaya siyempre ay ang gobyerno ni Digong dahil hindi nagbabayad ng tax ang mga ito. Makikita naman sa kani-kanilang post sa social media kung gaano na karangya ang pamumuhay ng nasa likod ng ending sa PBA at iba pang raket. Hehehe! Kasi dito sa PBA ending, maging bata at estudyante ay puwedeng tumaya dito dahil puro gadgets lang ang ginagamit, di ba mga kosa? At dahil sa buong bansa na ang operation nitong sugal sa social media, hindi lang dapat si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde ang kumilos para masawata ito kundi maging ang Anti-Cyber Crime Group ng PNP, di ba mga kosa? Isang kumpas lang ni Bato dito sa ACCG, t’yak madali nilang matutunton at mahuli ang nasa likod ng ending sa PBA at iba pang pagkakakitaan sa social media. Hak hak hak! Lugi ang PCSO at PAGCOR sa patuloy na operation nitong ending sa PBA games lalo’t nasa semi-finals na, di ba mga kosa?

Kung ang PBA ending ni Abigail Juaniza ay sa tayang P1,500 at ang mapanalunan ay P100,000 at ang kita niya sa isang game ay maliwanag na P35,000 dahil kada quarter ay may pabuya pang tig-P5,000. Sa pa-ending naman ni Zee David ay tig-P5,000 din ang kada quarter subalit sa 4th quarter ang premyo ay P15,000 at ang taya ay P225 lang. Ang kay Abigael Gonzaga Cruz naman ay P7,000 ang premyo kada quarter at sa katapusan ng laro ay P200,000 plus Nissan Sentra ang mapanalunan. Hehehe! Ewan ko lang kung magkano ang tayaan dito kay Cruz. Ang kay Hachi Cruz naman ay mukhang Lexus ang premyo sa kanyang raffle/ending at ang tayaan ay P4,100. Mayroon ding nakasingit tulad ni Marco Shin na ang pataya ay hindi sa ending ng PBA kundi sa NBA na ang patama ay P45,000. Hak hak hak! Ang mga Pinoy talaga, basta kumita lahat na lang papatulan, di ba mga kosa? Ang raket naman ni Marie Clare Palermo Calata ay online raffle at ang mga premyo ay mga gadget, Hehehe! May nilabag kayang batas si Calata? Tanong lang po!  Itong si Zian Caleb naman ay inaanunsiyo sa social media ang mga nanalo sa raket niya para lalong makahikayat ng mananaya. Hak hak hak! Sa dami ng binanggit kong mga pangalan, puwede nang i-search ito ng ACCG sa social media at sila lang ang nakakaalam kung paano magawan ng paraan para maaresto ang nasa likod ng malawakang raket na ito, di ba Gen. Bato Sir?

Teka tunghayan ang kuwento ni Pauline Jiselle Hernandez Deyparine kung paano siya nakapaglagak ng milyones sa kanyang banko. Inamin naman ni Deyparine na nag-umpisa siya sa maliitang taya na P50 at ang kita n’ya ay P5,000 hanggang maging P265,000 ito kada araw. Ayon sa kanya, 3K lang ang kanyang miyembro at di tulad ng malakihang grupo ng endingan na aabot sa 100K. Sa simula, takot siyang maglabas ng karton dahil baka hindi niya mapuno ito o dili kaya’y may parukyano na hindi magbabayad. Subalit tiniyaga ito ni Deyparine mag-isa. Ayon sa post n’ya sa social media, siya na mismo ang nagpapataya, nag-i-invoice, pagco-confirm ng payment, pagsusulat ng codes sa remittance, pag-claim, panood ng laban, pag-aanounce ng nanalo at pagse-send ng premyo. AKO lahat, aniya. “As the day goes by, I see myself growing. Growing from what I was yesterday. Naging 2, 3, 4 a day. Ooooooh not bad? Ayos pala,” ani Deyparine sa post n’ya. “Then one day, lumalaki na ang network ko. Pumuputok na ang card sa tumataya. Kinailangan kong maglabas ng marami (card). WALA AKONG PERA puhunan,” ang dagdag pa n’ya. Hak hak hak! Hayan Gen. Bato sir! Kailangang magbayad ng tax si Deyparine dahil maliwanag na illegal gambling ang pinasok niyang negosyo. Kung matagal na silang nag-operate, bilyones na ang nawala sa kaban ng bayan. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with