Pulis/militar, ‘life’ kapag droga ang issue

KAPANSIN-PANSIN halos every­day sa operasyon ‘hulihan’ laban sa illegal drugs may mga sumasabit na pulis at militar pagdating sa usapin nang batakan ng ‘shabu.’

Siguro panahon na para pag-aralan ng mga mambabatas at ng pamunuan ng PNP/AFP, na hindi dapat i-pareho ang parusa sa sibil­yan na small time na mahuhuli sa illegal drugs.

Kailangan mas mabigat ang parusa nila sa mga pulis o militar na mahuhuli sa isyu ng droga.

Ika nga, life sentence at hard labor sila!

Kapag ganito ang sistema ng parusang ipapataw tiyak malabo ng may sumabit pang bumabatak na pulis o militar.

Sabi nga, pag-aralan ?

Abangan.

* * *

Environmental fees sa Boracay, kakalkalin

Buti na lang at nasilip din sa wakas ang sinasabing billion of pesos na ‘environmental fees’ collection na ibinabayad kada turista na going to Boracay Island.

P75.00 ang environmental fee per person going to paradise island.

Ang perang koleksyon sa mga turistang dumadayo dito ay para sa paglilinis ng baybayin ng Boracay.

Ito ang dapat busisiin kung nasaan na?

Naku ha!

Maraming nadiskubreng gimik sa isla ng Boracay simula ng ihayag ni Prez Digong, na ‘cesspool’ ang isla.

Dahil sa pangyayaring ito mabilis pa sa alas-kuatro gumalaw ang people from the government.

Ika nga, imbestigasyon dito, imbestigasyon doon!

Ano kaya ang mainam para malutas ang problema sa Boracay?

Isara muna ang isla para sa rehabilitation at parusahan ang mga lumabag sa environmental laws, zoning regulations at mga business establishments na  walang mga building permits.

Abangan.

Show comments