^

Punto Mo

Matandang Tinali (22)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“IKAW din po ang naglilinis ng bagong farm na ‘yan, Manong Naldo?” tanong ni Dong habang tinatanaw nila ang farm na nasa kabila lang ng sapa.

“Oo. Nilapitan ako ng lalaking katiwala at nakiusap na linisin ko. Nagmamadali raw kasi siya sa pagbalik sa Maynila. Babae raw ang may-ari ng farm.’’

“E di marami ka nang lilinisan, Manong?’’

“Oo. Kaya ko namang li-nisan yan. Mabuti nga at magkakalapit ang farm. Tatawid lang ako sa sapa at yun na.’’

“Oo nga po. Maganda rin po ang bagong farm na yan dahil dinaanan din ng sapa. Katulad nitong farm ko.’’

“Oo. May portion na may sapa kaya siguro nagustuhan ng may-ari. Halos nagkakatulad ng farm mo.’’

“At mayroon ding pong kubo ano? Parehas din ng kubo ko.’’

“Oo. Kasi’y iisa naman ang mga gumagawa ng mga kubo rito kaya nagkakapare-pareho.’’

“Marami na rin pong tanim ang farm na ‘yan ano po?”

“Oo. Pawang lansones ang tanim. Palagay ko, magluluwas nang maraming lansones ang may-ari ng farm na ‘yan. Nakita ko na maraming bulaklak ang mga lansones. Maraming kikitain ang may-ari niyan.’’

“Siguro ay mayaman ang may-ari niyan ano Manong Naldo?’’

“Oo siguradong maya-man. Parang katulad mo rin, Dong, mayaman.’’

“Naku hindi naman po Manong, katamtaman lang, he-he-he!’’

Nagtawa rin si Manong Naldo.

Nang may maalala ang matanda.

“Siyanga pala, Dong, nilinis ko ang kubo mo. Winalisan ko ang silong dahil mara-ming nakakalat na dahon.’’
“Salamat po. Napansin ko nga na malinis. Magkano po ang paglilinis, Manong?’’

“Huwag na. Marami ka nang naibigay sa akin.’’

“Naku iba po yun, eto po ang pera para sa paglilinis ng kubo,” inabutan niya ng P500 ang matanda.

“Salamat Dong.’’

“Bukas po ba ay mayroon kang gagawin, Manong?”’

“Wala. Meron ka bang ipagagawa?’’

“Gusto ko po sanang lagyan ng dalawang mala-king haligi sa may entrance ng farm para pagsabitan ng pangalan nitong farm. Kahit tarpaulin e magpapagawa ako. Kaya mo po bang magbaon ng haligi, Manong?’’

“Oo naman. Sige bukas, gagawin ko.’’

“Salamat Manong.’’

Nang maghiwalay sila ni Manong Naldo ay sinulyapan ni Dong ang katabing farm.

Napangiti siya dahil mayroon na siyang kapitbahay. Magiging masaya na ang lugar. Sabi ni Manong Naldo ay babae ang may-ari ng farm. Siguro’y nagsasawa na rin sa buhay-Maynila ang may-ari kaya bumili ng farm.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with