^

Punto Mo

Checkpoint, patrol at police visibility, palakasin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakaalerto ngayon ang buong PNP kaugnay sa umano’y posibleng pag-atake ng mga terorista.

May kinalaman kasi ito sa natimbog na Egyptian ISIS na natunton sa Ermita kamakailan.

Si  Fehmi Lassqued, na gumagamit ng Tunisian passport at ang Pinay na kinakasama nito na si Anabel Moncera Salipada, buhat sa Upi, Maguindanao ay kapwa kalaboso ngayon.

Sinasabing si Lassqued ang tumatayo ngayong recuiter ng ISIS kung saan nasamsam nga rito ang mga armas at explosive device.

Patuloy pa rin ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa posibleng mga kasabwat nito na nakapasok sa bansa, maging ang mga kilos at balakin ng mga ito.

Kapag ganitong naka-heightened alert, huwag nang magtaka ang publiko sa masusumpu­ngang mga checkpoint.

Pero kadalasang nakikita ng inyong lingkod na pinapara sa mga nakatatag na checkpoint ay yaong mga nakasakay sa motorsiklo. Maaaring kasama na rin dito ang anti-criminality operations ng pulisya.

Hindi lang marahil checkpoint ang dapat palakasin, kundi maging ang mga pagpapatrulya o police visibility.

Hindi lamang banta ng terorista ang nababantayan kapag ganito kundi maging ang mga balakin ng mga kriminal sa lansangan.

Yun nga lang dapat na matiyak naman ng kapulisan na angkop ang kanilang mga itinatag na checkpoint na hindi pagdududahan ng publiko.

Huwag naman sanang masamantala o mamantsahan ito ng ilang mga pasaway .

Malaking bagay din ang pakikipagtulungan ng publiko sa mga awtoridad sa pamamagitan nang pagrereport sa mga kahina-hinalang mga kilos at galaw ng mga kadudadudang indibiduwal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with