^

Punto Mo

Internal cleansing sa PNP walang sisinuhin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga ba, damay-damay na pati ang mga chief of po­lice ng mga pulis na nahuling natutulog at nag-iiuman habang naka-duty ay sinibak na rin sa pwesto sa isyu ng command of responsibility.

Dahil sa kapabayaan ng ilan, marami ang nadadamay hindi lang ang ilang indibiduwal kundi maging ang buong command na naman.

Noong Biyernes ay sinibak na rin sa pwesto ang hepe ng Muntinlupa City police at Pasay City police.

Eto nga lang ang maganda rito, talagang puspusan ang ginagawang internal cleansing ng PNP. Desidido ang pamunuan na tuluyang walisin sa kanilang hanay ang mga pasaway at tiwaling tauhan.

Pero masaklap ding isipin na may ilan pa rin ang hindi nagtatanda at natututo.  Ang masaklap pa nito, tila ang ilan ay hindi na nagtanda o natuto.

Ilang araw lamang matapos mangyari ito, nag-ikot uli si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga istasyon ng pulisya at ayun sa Quezon City naman naaktuhan ang natutulog na parak.

Maging ang madaliang pagresponde, talagang sinubukan ni Gen. Albayalde.

Ibinabala rin naman ni NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao na may pitong diciplinary action ng pamahalaan ang nagbabantay sa mga tiwali at pasaway na pulis. Kabilang na nga rito ang Internal Affairs Service (IAS), ang PLEBO (Peoples Law Enforcement Board) ng local governemt, CITF (Counter Inteligence Task Force) at iba pang disiplinary authority ng pamahalaan.

Ayon pa kay Casurao ang mga kaliwalian at kapabayaan ng mga pulis, ay sinasabing sumasailalim sa kabuuan ng imahe ng PNP.

Kaya nga dahil dito, kailangan talagang mabantayan nang husto ang bawat isang tauhan dahil malaki talaga ang inaasahan ng publiko.

Kung tutuusin mas dapat nga umanong maging seryoso at desidido sa pagtupad ang mga pulis dahil sa naibigay na sa kanila ang mataas na sahod.

Nabatid  pa kay Albayalde na hindi dahilan ang pagod at puyat dahil may shifting naman na ginagawa, talaga lang meron umanong mga balatuba at nagtatamad-tamad.

Kaya kailangan ang masusing pagsubaybay ng kanilang mga commander sa kanilang mga tauhan dahil sila ang mananagot dito.

Mas masaklap naman kung ag mismong commander ang siyang promotor dahil ito ang maaaring gayahin ng kanilang mga tauhan.

Ayon pa sa NCRPO, hindi sila titigil sa pagbabantay, kaya paalala na rin ito sa kapulisan, na matuto na kabapayaan ng ilan, dahil baka sila naman ang masampolan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with