Mabait at Hudas
ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - February 11, 2018 - 12:00am

Kahit saang dako nitong Pilipinas

naghahari ngayon ay maraming hudas;

hudas na pulubi at  mayamang hudas

saan man magtungo ito’y mamamalas!

 

Mga mabubuti taong mababait

sila’y nakatago’t mga nasa bukid;

ang gawain nila hindi mo malirip

nakatutulong man tago sa daigdig!

 

Gumawa nang mali at saka nang tama

sa tingin ng iba ito’y balewala;

kaya ang halaga ng buhay-Maynila

probinsyano pa rin dahil walanghiya!

 

Taong mababait ay nagiging hudas

pagsila’y namali bawat pagsisikap

mabubuting tao kapag minamalas

mas higit na hudas sa sobrang sikap!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with