Sisimulan daw ng Inter-Agency Council for Traffic o iyakan este I-ACT pala ang mahigpit na kampanya laban sa mga bulok at mausok na public utility vehicle sa mga nearby provinces.
Maganda ito!
Sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Bulacan at Antipolo sinasabi raw ang operasyon ng I-ACT para sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign” nila.
Kaya may dahilan magtago muna ang mga may problemang sasakyan para hindi mahuli at magmulta.
Korek ka dyan.
Ang pagpapalawak sa operasyon kontra sa mga bulok at mausok na PUV’s ay gagawin ng I-ACT composite team, na kinabibilangan ng mga personnel ng MMDA, LTO, LTFRB at PNP - HPG in coordination ito ng kanilang mga LGU’s sa area of responsibilities ng hulihan.
Maganda ang layunin nila dahil gusto nilang bigyan proteksyon ang kalusugan at kaligtasan ng madlang riding public sa iba”t-ibang lugar.
Kaya saluduhan at palakpakan ang team!
Marami diumano ang humihiling na taga - Davao at Cebu na ipatupad din daw ang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign”.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Kambiyo issue, bakit kaya kasama pa sa mga probinsiya ang MMDA?
Hindi ba ang ibig sabihin ng MMDA ay Metro-Manila Development Authority, siguro naiintindihan ninyo ang ibig kung sabihin.
Dito nga sa Metro - Manila kulang na ang MMDA traffic enforcers para ayusin ng kaunti ang malalang traffic balak pa nilang makisawsaw sa mga probinsiya? hehehe!
Dito na lang kayo sa Metro - Manila mag- trabaho para mapakinabangan kayo nang husto ng madlang people na halos highblood sa grabeng traffic everyday.
Sabi nga, huwag ng magpa-guwapo malayo pa ang eleksyon sa mga interesadong mamulitika next year. Hehehe !
Huwag kayong pikon nagsasabi lang ng totoo.
Abangan.