Isla Paraiso (126)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

NILAPITAN ni Bart si Sir Alexis. Sinabi rito ang sadya nina Big Boy.

“Gusto raw nila na su­mama na sa atin, Sir Alexis. Gusto na nilang magbagumbuhay. Ayaw na nilang magpagamit sa mga taong pansarili lamang ang iniisip.’’

Nag-isip si Alexis.

Maya-maya, nagpasya na ito.

“Kakausapin ko sila. Papuntahin mo sila rito.’’
“Opo Sir Alexis.’’

Dinala ni Bart sina Big Boy kay Alexis.

“Gusto po naming sumapi sa grupo mo Sir Alexis. Gusto na naming magbago at maituwid ang aming mga pagkakamali. Sana po tanggapin n’yo kami. Maawa ka na Sir Alexis.’’

“Hindi mo na kailangang magmakaawa, Big Boy. Maaari kayong sumama sa grupo namin. Tatanggapin ko kayo.’’

“Salamat po, Sir Alexis. Salamat po!’’

Nagpalakpakan ang mga kasama ni Big Boy.

“Pero sa palagay ko hindi na naman kailangan na sumama kayo sa amin dahil tapos na ang problema. Nagdeklara na ang Presidente ng pag­laban sa illegal mining kaya wala na talagang magtatangkang pumasok dito sa Isla. Ibig kong sabihin, maaari na tayong magkasama-sama rito kahit hindi na sumali sa anumang grupo. Magkakaisa tayo lahat dito sa Isla.’’

“Opo Sir Alexis pero ang gusto po namin e ikaw na talaga ang mataas na lider ng isla. Ikaw po ang susundin namin dito at wala nang iba. Ikaw ang aming supreme leader.’’

Napangiti si Alexis. Ganun kataas ang pagtingin sa kanya nina Big Boy.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with