10 bad habits na ginagawa natin nang pasikreto
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

(Last Part)

ANG survey ay ginawa ng Online Doctor kung saan ang respondents ay kinabibilangan ng 1,500 Americans at Europeans.

5. Natutulog nang hindi naghihilamos. Mas maraming lalaki ang umamin na tinatamad na sila 58. 9 percent samantalang sa mga babae ay 40.1 percent lang.

6. Umiihi habang nagsa-shower. Hindi na nag-aaksaya ng oras na gamitin ang toilet bowl para doon umihi. Mas mara-ming babae (93,6) ang gumagawa nito kaysa lalaki (91.3). Ang advantage ng pag-ihi habang nagsa-shower, nakakatipid ng tubig dahil hindi kailangang mag-flush.

7. Nagtatanggal ng libag sa braso na parang nagtatanggal ng natuyong glue, habang nakatunganga gamit ang palad. Mas maraming babae, 96 percent ang gumagawa kaysa lalaki 93 percent.

8. Inaamoy ang dirty kilikili. Mas maraming babae ang may ugaling amuyin ang kilikili 96 percent kumpara sa 93.9 percent ng kalalakihan.

9. Kinakamot ang puwet. Kung imposible ay aabutin ng ballpen kaya ang ending ay butas na underwear. Mas ginagawa ng mga lalaki at hindi nang babae.

10. Tinitiris ang pimples. Mas maraming babae ang nagtitiris ng pimples, 93.6 percent kaysa mga lalaki na 91.3 percent.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with