Isla Paraiso (53)

SHOCK sina Benhur at mga kasama sa nakita. Naroon ang barko! Sa malalim na bahagi sa dulo ng isla at napapaligiran ng mga bakawan.

Hindi mahahalata na   may barkong nakatago.

“Nalusutan tayo, mga ka­sama! Kaya pala hindi na lumutang sa lugar na inaabangan natin e narito na sa backdoor.’’

‘‘Anong gagawin natin nga­yon?’’

‘‘Pag-aaralan natin. Mara­ming nakabantay. Palagay ko hindi pa nadidiskarga ang mga equipment.’’

“Palagay ko nga, Benhur,” sabi ni Tomas na buddy-buddy ni Benhur.

“Kailangan makagawa na tayo ng paraan bago pa ma-diskarga ang mga makinarya. Baka naghihintay lamang ng go signal ang mga ‘yan.’’

“May naisip ako Benhur.’’

“Ano yun Tomas?’’

“Sisisirin namin nina Mi­guel ang ilalim ng barko at bubutasin namin.

Madali lang butasin yan!’’

Nag-isip si Benhur. Puwede ang naisip ni Tomas.

‘‘Ano Benhur. Ka­yang-kaya namin nina Miguel na sisirin ang ilalim ng barko. Kahit pa malalim ‘yan, balewala yan. Pagsinisid namin ngayong gabi yan, bukas ng umaga, butas na ‘yan at isang oras lang at lulubog na ‘yan.’’

“Kakausapin ko si Sir Alexis. Mas mabuti kung alam niya ang mga hakbang natin. Mas maru­nong magpasya si Sir Alexis. Tatanungin din natin si Lolo Kandoy dahil ang alam ko marunong din siya pagsisid.’’

“Sige, Benhur. Basta sa­bi­hin mo lang sa amin ang pasya.’’

“Oo. Pero teka kaila-ngan n’yo pa ng oxygen para sa pagsisid?’’

“Hindi na, Benhur. Sa­nay na kami na walang oxy­gen. Kahit pa gaano  katagal sa ilalim ng tubig, ka-yang-kaya namin.’’

Tinapik-tapik ni Ben-hur si Tomas.

‘‘Puntahan natin si Sir Alexis para malaman niya ang plano.’’ (Itutuloy)

 

Show comments