8 dahilan kung bakit dapat tumigil sa pag-inom ng diet soda

1. Walang nutritional value. Kung gagastos ka rin lang sa isang no-calorie beverage, mas mabuti pa na uminom na lang ng tubig. Libre na, safe pa sa kalusugan.

2. Ang artificial sweetener na aspartame na nakukuha sa diet soda, ayon sa pag-aaral, ay may kinalaman sa pagsakit  ng ulo.

3. Nakakasira ng ngipin. Base sa nalathala sa General Dentistry, ang per-wisyong naidudulot sa ngipin ng sobrang pag-inom ng diet soda ay kahalintulad ng perwisyong dulot sa ngipin ng cocaine.

4. Mas mabilis makalasing kung diet soda ang ihahalo sa cocktail drinks. Dahil mas mabilis nahihithit ng bloodstream ang artificial sweetener kaysa regular na asukal.

5. Nagiging dahilan ng depresyon. Sa 10 taon pag-aaral, napatunayan na nagkakaroon ng 30 percent na tsansang magkaroon ng depresyon, ang mga taong nakakaubos ng 4 tasa or latang diet soda per day. Pero patuloy pa rin ang ginagawa nilang pag-aaral.

6. Ayon sa researchers ng Tuff University, tumataas ang tsansa na magkaroon ng osteoporosis ang regular drinker ng diet soda.

7. Tumataas ang tsansa na magkaroon ng type 2 diabetes.

8. Lalong tumataba. Palibhasa alam mong calorie-free ang iyong iniinom, dinadagdagan mo ang iyong kinakain na nagreresulta ng dagdag na timbang. Isa pa, lalong pinapaaktibo ng artificial sweetener ang insulin, na nagiging daan para mag-imbak ng maraming fats sa katawan.

Show comments