^

Punto Mo

EDITORYAL - May batik na naman ang PNP

Pang-masa

LUBHA nang nakapapangamba ang nangyayari sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayon sapagkat may guma­gamit sa kanila ng droga. Sa halip na sila ang humuli sa mga drug addict, sila pala ang dapat hulihin sapagkat lulong sa shabu.

Katulad ni Supt. Lito Cabamongan na nagpositibo sa paggamit ng shabu. Naaktuhan si Cabamongan, 50, hepe ng PNP Crime Laboratory Service-Alabang Satellite Office sa Muntinlupa, na gumagamit ng shabu sa isang barungbarong sa Talon, Las Piñas noong Huwebes, kasama ang isang babae. Isang residente ang nagtip na may drug session sa barungbarong. Pero katwiran ni Cabamongan, gumagamit siya ng shabu dahil mayroon siyang sinu-surveilance pero hindi ito kinagat ng mga umaresto. Nadiin si Cabamongan nang umamin ang kasamang babae na talagang gumagamit sila ng shabu.

Agad nagtungo si PNP chief Director General Ronald dela Rosa sa kinakukulungan ni Cabamo­ngan at galit na kinumpronta ito. Napa-“putang-ina” si Dela Rosa sa galit kay Cabamongan. Kung mailulusot lang ang kanyang kamao sa rehas ay baka nasapak nito si Cabamongan.

Panibagong batik na naman ito sa PNP. Hindi pa nakakabawi sa mga nakaraang kontrobersiya kung saan isang Korean businessman ang pinatay sa Camp Crame ng mga miyembro ng anti-drug unit ng PNP, eto at mayroon namang kontrobersiya. Noong nakaraang linggo, isa pang police inspector ang nakunan ng CCTV na binubugbog ang nakaalitang motorista sa mismong police station. Makaraang bugbugin, ikinulong pa ang motorista.

Kanino pa hihingi ng tulong ang mamamayan ngayon? Mas nakakatakot pang magtungo sa police station at baka ang masumpungan ay mga pulis na addict, kidnaper at mamamatay-tao.

Kailangang kumilos si Dela Rosa para ireporma ang PNP. Bago man lang siya magretiro ay may maipagmalaki siyang nabago sa mga pulis. Makakaya niya itong gawin. Kaya pa niyang kayurin ang dumi sa PNP.

 

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with